9 - Gunshots

11.1K 867 419
                                    

9 - Gunshots



Ang inaasahang pagkabasag ng salamin o ang tunog at pagbangga ng chainsaw sa unahan ng bus ay hindi nangyari. Sa halip, sunod sunod na putok ng baril ang umalingawngaw.



Tumayo ng maayos si Lucas para masilip ang nangyayari sa labas. Sunod-sunod ding naglapitan ang iba pa sa unahan.



May nakaparadang patrol car sa di kalayuan. Dalawang lalaking naka-unipormeng pangpulis ang nagpapaulan ng bala sa mga zombies na may hawak na chainsaw. Nakatalikod sila at tila ginagwardiyahan ang bus. At kahit hindi agad natutumba, napatigil sa pwesto ang mga zombies dahil sa impact na ginagawa ng mga bala.



"May mga zombies sa likod ng bus!" sigaw ni Jet na siyang nakatawag sa pansin ng lahat.



"Open the curtains! Open the curtains!" utos naman ni Marielle na agad nilang sinunod.



Kanya-kanyang dungaw sa bintana ang mga sakay ng bus. Sinusundan ng tingin ang mga zombies na nagmula sa isang malapit na construction site, at naglalakad patungong harapan ng bus.



"It's their guns," bulalas ni Kevin sa napagtanto. Hindi niya maialis ang tingin sa mga zombies na dumadaan sa gilid ng bus. "Their following the sound of gunshots."



Mabilis na nilingon ni Yuan si Lucas na agad namang tumango. Nanatiling nakatingin na lamang ang iba sa dalawa. Tila sanay na ang lahat na ang mga ito ang naka-assign sa pakikipaglaban. Gustuhin man nilang manatili ang mga ito na ligtas sa loob ng bus, natatakot naman silang pumalit sa mga ito at lumabas.



"Open the door and close it as soon as we're out."



Tumango ang driver habang pinapanood si Lucas na kuhanin ang baseball bat niya at ang tubo na ginagamit ni Yuan.



"Yuan, the offer still stands," pahabol na sabi ni Kevin bago mabuksan ng driver ang pinto. "You can just stay here and I'll fight."



Nang lumingon si Yuan ay hindi lamang mga mata ni Kevin ang sumalubong sa kanya. Maging ang mga kaklase niya ay binibigyan siya ng makahulugang tingin. Mga tingin na nangungumbinsing pumayag siya sa alok ni Kevin. Ngumiti lamang ng tipid ang dalaga.



Pagkabukas pa lamang ng pinto ng bus ay agad na hinila ng isang zombie ang braso ni Lucas. Napasigaw si Yuan sa sobrang bilis ng pangyayari. Mabilis na lumapit sina Jet at Kevin para tumulong.



Kahit nagulat din sa paghila sa kanya ng zombie, mabilis na nakabawi si Lucas at tinadyakan iyon. Natatarantang hinampas din iyon agad ni Yuan, hindi alintana ang mata nitong gumulong pa sa kanyang sapatos. Tila normal na din sa kanilang dalawa ang matalsikan ng dugo. Talagang sa ganitong sitwasyon ay wala ng may karapatang maginarte.



"Close it!" sigaw ni Lucas sa driver ng makaapak sila ni Yuan sa konkretong kalsada. Hindi pa man nakakalayo sa pinto ay marami ng zombies ang kanilang nahampas.



Mabilis na napansin ng mga pulis ang dalawang estudyante na bumaba sa university bus. Napakunot ang noo nila dahil doon.



"Get back! Get inside the bus!" sigaw ng isa sa mga pulis.



"We're here to help!" sigaw naman ni Lucas pabalik.



"We don't need students here!" mas malakas na sigaw ng isa pang pulis. May diin ang bawat salita na nagpapahiwatig na hindi nila kailangan ng tulong mula sa mga kabataan.



"We only have students and an old driver inside that bus!" makahulugang sagot din ni Lucas. Kung naiinis ang mga pulis ay naiinis din siya.



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon