7 - Not Perfect

12.3K 894 300
                                    

7 - Not Perfect



"Yuan."



Tila iniahon mula sa malalim na pagiisip si Yuan noong tinawag siya ni Kenzo. Napaayos siya ng upo at hinintay itong makalapit ng tuluyan sa kanya.



"Pahiram ulit ako ng phone mo. Susubukan ko ulit tumawag sa bahay."



Tahimik na kinuha ni Yuan ang cellphone mula sa bulsa ng kanyang itim na hoodie. Pinanood niya si Kenzo na magpipindot doon at itapat ang phone sa tainga. Kitang kita kung paano itong humugot ng ilang malalalim na hininga saka maya maya ay napapikit ng mariin.



"Keep trying." Sandaling napalingon si Kenzo kay Yuan at saka tumango. Muli itong nagdial. Nanatili lamang si Yuan na nakatingin sa kanya, nag-aabang din ng balita.



Magkababata sina Yuan at Kenzo. Malapit sa isa't isa ang kanilang mga pamilya. Madalas silang magkalaro noong mga bata pa sila pero umalis si Yuan at sa Manila nag-aral. First year college na ng bumalik siya sa Cavite at sakto namang naging magkaklase sila ni Kenzo. Hindi sila palaging magkasama pero palagi silang nakasuporta at nakabantay sa isa't isa.



Kapwa sila napalingon sa bandang harapan ng tawagin ni Mariz si Kenzo. Agad na napayuko si Yuan para magiwas ng tingin. Kasabay ng pagalis ni Kenzo, huminga siya ng malalim at agad na nagsisi ng maramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Naabuso nanaman niya ang kanyang mahinang katawan.



Nanatiling nakayuko si Yuan habang pinipilit na ayusin ang kanyang paghinga. Ramdam niya ang panghihina ng subukang hampasin ang sariling dibdib. Nahihirapan man, ipinagpapasalamat niyang nasa pinakadulo siya ng bus at walang nakakapansin sa kanya.



Patuloy man sa paghahabol ng hininga ay nagulat ang dalaga ng may magabot sa kanya ng tubig. Mas nagulat pa siya ng makita na si Lucas ang nakatayo sa kanyang harapan.



"Drink this and try to calm yourself down."



Bahagyang napaubo si Yuan habang kunot noong nakatingin kay Lucas. Tinignan lamang siya nito ng diretso habang binubuksan ang boteng ng tubig. Agad na ininom ni Yuan ang tubig, pero napatigil siya ng muling magsalita ang binata.



"It's not right but these people depend on you now, Yuan. Killing yourself is killing them."



"I'm sorry," wika ng dalaga matapos ang mahabang katahimikan.



"Take care of yourself," diretsong tugon ni Lucas at saka naupo sa tabi ni Yuan. "They said the next stop would be Kenzo's house. Can you still fight?"



"Of course," mahinang sagot ni Yuan na tila ba pinapapaniwala ang sarili na kaya niya.



Kunot noong napatitig na lamang si Lucas sa dalaga. Hindi ito natinag kahit ng salubungin ni Yuan ng tingin ang mga mata niya.



"By the way, thanks." Bahagyang ngumiti ang dalaga nang may maalala.



"For what?" nagtatakang tanong ni Lucas. Doon niya lamang naialis ang tingin sa mukha ni Yuan.



"For thinking about Mariz's feelings. Thanks for choosing to just run dahil alam mong nakikita niya tayo."



Muling nilingon ni Lucas ang dalaga na nananatiling nakangiti habang nakatingin sa labas ng bintana. Napangiti din siya.



"It's not good to know that your family died. I think it's worse to know that they became zombies." Inilipat ni Lucas ang tingin sa harapan bago nagpatuloy. "It's the worst to see them die again."



2025Where stories live. Discover now