37 - Was it?

7.1K 565 198
                                    

37 - Was it?



"For the nth time, Jethro Montes, are you damn sure she moved?" madiin na tanong ni Mariz. Mula sa walang malay na si Yuan ay inilipat niya ang tingin kay Jet na nakatayo sa dulo ng kama.



"For the n multiplied by ninety-nine raised to tenth power, Mariz Concepcion, oo nga!" mas madiin na sagot ng binata.



Tila nababagot na si Jet sa paulit-ulit na pagpapaliwanag kina Mariz at Kenzo. Malapit na din siyang mainis dahil halatang hindi naniniwala ang dalawa sa kanya.



"Kinakausap ko siya tapos parang gumalaw yung kamay niya."



Isang malakas na hampas ang ibinigay ni Kenzo kay Jet dahil sa narinig. Agad siyang sinamaan ng tingin ng kaibigan kaya muli niya itong binatukan.



"Tangina mo! Pinatakbo mo kami dito, hindi ka naman pala sure!"



Nagpameywang si Mariz at sinamaan din ng tingin si Jet. "Nakabenda yung kamay ni Yuan at tinahi yung sugat pano niya maigagalaw yun?"



"Yung kabila kasi." Tila nagtitimping lumapit si Jet sa kama at itinuro ang gitnang daliri sa kaliwang kamay ng walang malay na dalaga. "This finger! It lifted!"



"Oh, gago. Ang ingay mo siguro kanina kaya pinakyuhan ka ni Yuan," natatawang sabi ni Kenzo.



"Siya na nga lang 'tong ina-update sa mga nangyayari." Inilipat ni Jet ang masamang tingin sa walang malay na dalaga. "Napaka-ungrateful mo naman, Yuan!"



Sabay-sabay na napalingon sa pinto ang tatlo ng bigla iyong bumukas at iniluwa sina Rina at Gian.



"Is she awake? Sinabi niyo na ba kina Tita?" hinihingal na tanong ni Rina.



Halatang iniwan lamang ng kadarating lang na dalaga ang kung ano mang ginagawa at nagmadaling pumunta sa silid na iyon. Wala pa mang nakakasagot ay dire-diretso siyang pumasok sa silid at naglakad palapit sa kama upang makita si Yuan.



"Tulog pa rin ang prinsesa." Napabuntong hininga si Mariz saka muling pinagmasdan ang pinakamatalik niyang kaibigan.



"Tangina! Sabi ko na wag tayong maniwala sa siraulong 'to eh!" Pabirong inambaan ni Gian ng suntok si Jet.



Muling tumawa si Kenzo. "Fake news nga yang hayop na yan."



"Tangina niyo rin! Gumalaw nga! Mamatay man kayo!" apela ni Jet na naging dahilan upang paulanan siya ng mura ng mga kaibigan niya. Pabiro din siyang itinulak nina Gian at Kenzo saka idiniin sa sahig.



"Tulong! Tulong!" Malakas ang tawanan ng magkakaibigan dahil sa sigaw ni Jet.



"Guys! Guys!" biglang awat ni Mariz sa mga kaibigang nag-aasaran.



Napahinto ang lahat at napalingon kay Mariz. Nang makitang seryoso itong nakatingin sa kaliwang kamay ni Yuan ay doon din nila itinuon ang pansin. Nanlaki ang mga mata nila ng makitang gumalaw ang dalaga.



"Putangina! Sabi ko sa inyo, diba?!" Halos patalon na bumangon si Jet. "Oha! Oha!"



Pinaligiran nila ang kama at sabay-sabay na mas nanlaki ang mga mata ng makitang kumunot ang noo ni Yuan.



"Kingina, Yuan, si Jet yung maingay!" tila nagsusumbong na sabi ni Gian. Hinampas siya ni Jet sa likod at natatawang umiwas lamang ang binata.



"Halata naman talagang naingayan sayo si Yuan," dagdag pa ni Kenzo sa pang-aasar. Dahil nasa kabilang gilid siya ng kama ay nagtaas na lamang si Jet ng isang middle finger.



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon