16 - Why

9.4K 754 229
                                    

16 - Why



Naalimpungatan si Yuan ng maramdamang may tumatapik ng mahina sa kanyang braso. Nang magmulat ay sumalubong sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Marielle.



"Ahm... ano, Yuan, kasi..." Umayos ng upo ang dalaga at tinitigan lamang ang kanilang Class President. "Ayaw kasi talaga ni Lucas na ipagising ka. Ayaw ko din naman na lumabas ka at mapahamak. Pero kasi, hindi ba mas delikado kung magisa lang siya ngayon sa labas?"



Agad na napakunot ang noo ni Yuan dahil sa narinig. Doon niya lamang napansin na nakahinto ang bus na kanilang sinasakyan. Nakapatay din ang mga ilaw dahil tulog ang karamihan. Sumilip si Yuan sa bintana at napagtantong nasa isang gas station sila.



"Si Kuya Wawie?" tanong ng dalaga kay Marielle saka siya tumayo. Nilapitan niya ang lalaking tinutukoy.



"Kuya Wawie, bakit hindi mo sinamahan yun?" pabulong na tanong ni Yuan saka isinenyas ang labas kung saan naroon si Lucas.



Pasimpleng itinuro lamang ni Warren si Leanne na kasalukuyang natutulog habang nakasandal ang ulo sa kanyang balikat.



"Pwede mo namang gisingin yan," naiinis na sabi ng dalaga. Nilingon ni Warren ang kapatid ni Yuan na nakasandal sa kanya. Hindi napigilan ng binata na mapangiti. "Oh God, Kuya Wawie. Alam natin pareho na hindi pa nakaka-move on yang si Ate kay Kuya--"



"Don't even mention that name, Yuan."



Napailing na lamang ang dalaga dahil sa biglang pagpapalit ng mood ni Warren. "Malandi ka."



Nang hindi na kumibo ang kausap ay tinatamad na nilingon na lamang ni Yuan si Marielle. "Where's my sword?"



"Bababa ka, hija?" tanong ni Jules ng makalapit si Yuan sa harapan bitbit ang kanyang espada.



Tumango lamang si Yuan sa driver. Hindi naman ito nagdalawang isip na buksan ang pinto ng bus lalo at wala namang mga zombies sa paligid. Wala ring kahit isang buhay na tao maliban sa kanila.



Dire-diretso lamang si Lucas sa pag-aayos ng nozzle kahit napansin niya na ang paglapit ni Yuan. Nang mailagay iyon sa fuel tank ng bus, walang lingon na naglakad ang binata pabalik sa dispenser para pindutin ang button.



Habang hinihintay na mapuno ang tangke ay nanatiling nakatalikod si Lucas sa dalaga. Ramdam niya ang masasamang tingin na ibinibigay ni Yuan ngunit hindi niya pa rin ito pinapansin.



Natapos na ang pagkakarga ng gasolina at wala pa ding nagsasalita sa dalawa. Tahimik na inayos ni Lucas ang pagkakasara ng fuel tank. Nang ibabalik na niya ang nozzle sa dispenser, dalawang magkasunod ngunit mahihinang putok ng baril ang kanilang narinig.



Sabay na napalingon ang dalawa sa direksyon na pinanggalingan ng mga putok ng baril. Walang salitang humakbang si Yuan palapit doon ngunit agad siyang hinila ni Lucas.



"Get inside the bus."



Kumunot ang noo ng dalaga saka diretsong humarap kay Lucas. "Oh, so you can see me now?"



Nagsalubong din ang mga kilay ng binata. "I don't need your attitude right now, Yuan. Get inside the damn bus."



"I don't take orders from you, Lucas," walang emosyong sagot ni Yuan. Muling tumalikod ang dalaga at nagsimulang maglakad patungo sa pinanggalingan ng putok ng baril.



Napapikit ng mariin ang binata saka sumigaw. "What the fuck is your problem?!"



Tumigil si Yuan sa paglalakad at muling lumingon. "Glad you asked."



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon