21 - Trust

9.2K 720 560
                                    

21 - Trust



Napatingala na lamang si Lucia upang pigilin ang pagtulo ng kanyang mga luha. Gabi na ay hindi pa rin nila makausap ng maayos si Yuan. Maging ang mga natitirang kaklase ng dalaga ay tahimik at nakakulong sa mga ginagamit nilang kwarto. Lahat ay apektado sa nangyari.



Ilang segundo pa ay sinulyapan niya ang dalaga sa huling pagkakataon bago nagpasyang umakyat sa hagdan. Doon ay nakasalubong niya si Warren.



"She's still there?" mahinang tanong ng binata.



Muling bumuntong hininga si Lucia saka tumango. "Wala pang tulog ang batang 'yon. Hindi ko naman magawang magalit dahil sa nangyari."



Pinilit ni Warren na ngumiti. Hindi na siya nagsalitang muli at nagpatuloy lamang sa pagbaba. Nadatnan niya si Yuan na nakatayo pa rin sa harap ng isang bintana habang tila pinapanood ang mga zombies sa labas ng kanilang gate.



Tahimik na lumapit si Warren at ng lingunin siya ng dalaga ay niyakap niya ito. "I'm sorry."



Mabilis na nag-init ang mga mata ni Yuan. Isinubsob niya ang mukha sa balikat ni Warren at doon tahimik na umiyak.



"I'm really sorry," muling bulong ng binata.



"Were they scared?" Mas hinigpitan ni Warren ang yakap ng marinig ang basag na boses ng dalaga. "Kuya Wawie, were they scared?"



Napalunok si Warren. Hindi alam ang sasabihin. Sa utak ay tila naririnig niya ang malakas na sigaw nina Marielle at Grace. Nakikita niya ang natatarantang pagtakbo nina Vic, John, at JL papasok sa grocery store. Bumalik sa kanya ang frustration na maubos nila nina Gian at Kenzo ang mga zombies sa labas para makatulong sa mga nasa loob. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa mga mata ni Warren ng maalala ang nadatnan niya ng makapasok sa grocery store.



"They..." Halos pumiyok ang boses ng binata.



Nang mapagtantong umiiyak din si Warren ay yumakap pabalik ang dalaga.



"They died fighting."



Lalong bumuhos ang mga luha ni Yuan. "I could've fought for them."



Dahan-dahang kumalas si Warren sa yakap. Hinawakan niya ang dalaga sa magkabilang balikat at diretsong tinignan sa mga mata.



"It's not your fault. And no one's blaming you. I'm very sure your classmates are not blaming you, too." Huminga ng malalim ang binata. "I hate what happened but I'm glad you're not there."



"Kuya Wawie." Napapikit ang dalaga upang pakalmahin ang sarili. Hindi na siya makapagsalita ng ayos dahil sa paghikbi. Nang magmulat ay sumalubong sa kanya ang umiiyak na mga mata ni Warren.



"Yuan..." Hindi na nadugtungan ni Warren ang dapat na sasabihin ng yumuko ang dalaga at dahan dahang umiling.



"How can I continue living when my friends are dying?"



Umawang ang bibig ni Warren pero hindi siya nakapagsalita. Muli niyang hinila ang dalaga para yakapin.



"They went there so you could stay here--"



Mabilis na kumalas si Yuan sa yakap at tumalikod. "Don't try to say that they died so I could live because that doesn't make any fucking sense! They wanted to live, too!"



"What I'm trying to say is if they'll be given a chance to choose again, they will still volunteer to go so they could make you stay!" Halos hingalin si Warren matapos sabihin iyon. Kahit na mahina ang kanilang boses dahil tulog na ang ibang kasama sa bahay, may diin sa bawat salitang kanyang binitawan. "You know your classmates more than I do, Yuan. Stop blaming the decision they don't even regret."



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon