49 - Arrival

6.7K 541 261
                                    

49 - Arrival



Mula ng makalagpas sa tulay, halos bawat oras ay kinailangang bumaba nina Yuan at Lucas sa bus para hawiin ang mga naglalakad na bangkay na nakaharang sa daan. Napapagod man, hindi sila pwedeng tumigil dahil mas delikado kung hihinto sila sa gitna ng mga daan na hindi nawawalan ng zombies. Idagdag pa ang banta ng helicopter na nagpapaulan ng mga nilalang na iyon.



Tuluyan ng lumubog ang araw ay hindi pa sila nangangalahati sa paglalakbay. Naniniwala na ang lahat sa sinabi ni Ronald na aabutin ng isang buong araw ang biyahe.



Napatalon si Yuan ng maramdamang may humawak sa kanyang braso. Muntik pa siyang mapasigaw kung hindi agad napagtantong si Lucas lamang iyon.



"You okay?" agad na tanong ng binata.



Tumango si Yuan kasabay ng isang malalim na paghinga. "Nagulat lang. Don't just appear beside me like that. Hatinggabi, gago. Malay ko ba kung multo ka."



Natawa lamang si Lucas bago pumasok sa loob ng isang booth. Nakahinto sila sa toll gate at bagama't wala masyadong zombies na nakaharang, kinailangan nilang bumaba upang iangat ang boom barrier.



Nang matagumpay na alisin ang harang, bumalik agad ang dalawa sa loob ng bus. Napairap pa si Yuan ng sumalubong sa kanya ang nakakalokong ngisi ni Gibo. Halatang nagpipigil ng tawa ang kasalukuyan nilang driver. Mukhang napanood nito ang pagkagulat niya lalo pa't nakatutok sa kanila ang head lights ng bus kanina.



"Subukan mong tumawa," pabirong iniangat ng dalaga ang hawak niyang espada.



Agad namang umakto si Gibo na tila ba isinara ang zipper ng kanyang bibig. Matapos gawin iyon ay hindi niya pa rin napigilan ang pagkawala ng isang hagikgik.



Napailing na lamang si Yuan at ibinagsak ang sarili sa tabi ng natutulog na si Pia. Ramdam man ang mga mata ni Lucas na nakatitig sa kanya, hindi na siya nagsalita at pumikit na lamang. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ding pumunta na sa likod ang binata.



Tila ngayon lamang naramdaman ni Yuan ang naipong pagod sa maghapon na pakikipaglaban. Idagdag pa ang pananakit ng katawan at ng kamay na nakabenda. Dahan-dahan niyang ibinukas-sara ang kamay na iyon habang nananatiling nakapikit. Unti-unti na niyang nararamdaman ang antok ng biglang may dumagan sa kanyang mga hita.



Nagulat ang dalaga ng pagmulat ay nakitang nakakandong na sa kanya ang bunsong kapatid. "Liam?"



"I want to sleep here," inaantok na sabi ng bata at bigla na lamang yumakap sa kanya. Isinandal nito ang ulo sa damit niyang may bahid ng dugo at doon pumikit.



"Liam, you can't sit here." Sinubukan ni Yuan na gisingin ang kapatid ngunit umiling lamang ito habang nakapikit. Lumingon ang dalaga sa likuran at nakitang palapit na ang kanyang ama.



"Dad, Liam can't sit here. Where's Mom?"



"Your Mom's sleeping. Hayaan mo na muna at ngayon lang 'yon nakatulog," paliwanag ni Henry. "Akin na 'yang kapatid mo."



Sinubukan ni Henry na buhatin ang bunsong anak ngunit muli itong umiling at hinigpitan ang yakap kay Yuan. Nananatili mang nakapikit, alam nilang gising ang bata.



"Liam, kids are not allowed to sit in front of the bus," pangaral ni Henry sa anak.



"Then, Ate Yuan shouldn't sit here, too."



Bahagyang natawa si Yuan sa katwiran ng kapatid. "Big girl na kaya ako."



Napabuntong hininga si Henry habang nakatingin sa mga anak. "Papalitan ko na si Gibo. Doon ka na tumabi sa Mom mo."



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon