29 - What happened?

7.4K 601 1K
                                    

29 - What happened?



Sa sobrang kaba habang nakatingin kay Yuan at sa zombie na dadamba na sa dalaga, halos hindi na nila namalayan ang isang napakalakas na putok. Nakita na lamang nila ang butas sa basag na windshield dahil sa bala na tumagos doon.



Nanlaki ang mga mata ni Yuan ng saktong pagtalikod niya ay nakita niyang bumaon ang isang bala ng baril sa sentido ng zombie na nakaamba ang dalawang kamay sa kanya. Mabilis na nakabawi ang dalaga at sinipa ang zombie na wala ng malay. Muli niyang ipinagpatuloy ang pagsaksak sa iba pa.



Naguguluhan man sa kung ano ang nangyari, nagpatuloy na sina Lucas at Warren sa pagtakbo. Hinawi nila ang mga zombies hanggang sa makalapit kay Yuan. Tumalikod ang tatlo sa isa't isa at humarap sa mga zombies na nakapalibot sa kanila.



Samantala, sa loob ng bus, malalim ang paghinga ni Jet habang nakatutok pa rin ang baril sa unahan.



"S-Saan mo yan nakuha?" hindi makapaniwalang tanong ni Rio.



Tumayo si Gian at siya na mismo ang nagbaba sa kamay ni Jet na tila hindi pa rin makapaniwala sa kanyang ginawa. "That's cool, dude. You saved Yuan."



Wala sa sariling napatango si Jet. "Damn, I did that."



"Yes, you did that," Natatawang sabi ni Gian saka kinuha ang baril sa kamay ng kaibigan. Nilingon niya si Rio. "A police officer gave it to Yuan."



Napatango tango ang bodyguard. Magtatanong sana siyang muli ng sumigaw si Jules. "Umalis kayo dyan sa pinto!"



Natatarantang umakyat ng tuluyan si Conrad at halos maitulak niya ang iba pa patungo sa likod. Sakto namang pumasok ng bus ang hinihingal na sina Yuan, Lucas, at Warren. Mabilis na isinara ni Jules ang pinto at napabagsak na lamang sa sahig ang tatlo.



"Sagasaan niyo silang lahat, Manong!" hinihingal na sabi ni Warren. Mabilis na tumango si Jules saka pinaandar ang bus.



*****



Halos dalawang oras na ang lumipas ay nasa kalagitnaan pa lamang sila ng biyahe. Tumayo si Lucia para buksan ang isa sa mga kahon at maglabas ng kanilang merienda. Isa isa niyang inabutan ang mga kasama.



Nasa kalagitnaan ng pagkain ang lahat ng biglang magpreno ng malakas si Jules. Nagkalat ang ibang pagkain at mayroon ding natapong tubig dahil sa lakas ng impact.



"Bakit? What happened?" tanong ni Sebastian. Tumayo siya at lumapit sa unahan.



"May mga tao." Itinuro ni Jules ang isang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.



Mabilis na napatayo sina Yuan at Lucas dahil sa narinig. Maging ang iba pa nilang kasama ay nakiusyoso din. Sinundan nila ng tingin ang itinuturo ng driver. Kitang kita nila ang dalawang babae na nasa likurang bahagi sa loob ng sasakyan.



"Sandali. Lalabas kayo?" kunot-noong tanong ng gobernador ng makitang dinampot nina Yuan at Lucas ang kanilang mga armas.



Tumango ang dalaga. "Kaunti lang naman po ang mga zombies sa labas."



"Kahit na. There are zombies outside. It's dangerous," apela ni Sebastian.



Magkasalubong pa din ang mga kilay ng gobernador ng tapikin siya ni Jules. "Alam na ho nila ang ginagawa nila."



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon