44 - Wawie and Yuan

7.3K 586 274
                                    

44 - Wawie and Yuan



"Are you sure you can do this?" mahinang tanong ni Kevin habang binabalutan muli ng benda ang kamay ni Yuan.



Tipid na ngumiti ang dalaga. Hindi iyon umabot sa mga mata niyang tila walang buhay. Namumugto iyon at halata ding inaantok. Wala pa itong pahinga sa pag-iyak mula kahapon. "It's the last thing we can do for him."



"But, can you do it?" pag-uulit ni Kevin, bakas sa mukha ang pag-aalala para sa dalaga.



"There are other things he wishes for me to do but this is the only one I'm sure I can fulfill."



Huminga ng malalim ang binata bago tumayo. "We're still here, Yuan. Always."



Muling pinilit ng dalaga na ngumiti. "I know. Thank you."



Ngumiti din si Kevin saka tumayo at inilahad ang isa niyang kamay. "Let's go?"



Sabay na lumabas ng silid ang dalawa saka bumaba sa unang palapag. Dumiretso sila sa living room kung saan naroon ang lahat, maliban lamang kay Pia na masama pa din ang loob at nagkukulong sa kanyang silid.



Nang makitang kumpleto na sila ay tumayo si Lucia. "May I request everyone to stand?"



Tahimik na sumunod ang lahat. Maging ang mga bata na walang ideya sa nagaganap ay umalis din sa pagkakaupo.



"We'll take this moment to pray for those who are not here," panimula ni Lucia saka pinangunahan ang pagdadasal para kina Gov. Sebastian, Conrad, Annie, at Warren. Isinali na din nila sina Patrick, Jack, ang iba pang kaklase ni Yuan, mga katrabaho at estudyante nina Leanne, at ang lahat ng naging biktima ng apocalypse. Natapos ang taimtim na panalangin sa kahilingan na makaalis na sila sa ganitong sitwasyon.



Ilang sandali pang namayani ang katahimikan bago natapos ang pagtitipon. Umalis na ang iba at bumalik sa kanilang mga silid upang ipagpatuloy ang kung ano mang kailangang gawin. Samantala, naiwan sa living room sina Yuan, Leanne, Kenzo, Mariz, Rina, Gian, Jet, Kevin, at Lucas.



Matagal na binalot ng katahimikan ang siyam. Napatingala si Leanne at marahas na bumuntong hininga. "Okay. We're still here because a dramatic jerk wants this."



Napatingin ang lahat sa dalaga dahil kahit tila nagtataray ang tono nito ay basag ang boses nito habang nagsasalita. "This afternoon's for Wawie. We'll do the damn eulogy."



Nagkatinginan ang iba. Kahit pare-parehong nagdadalamhati ay naging awkward ang atmosphere at hindi nila alam kung paano iyon pagagaanin.



"S-Sinong mauuna?" tanong ni Jet habang may awkward na ngiti. Isa-isa niyang tinignan ang mga kasama na nag-iwas lamang ng tingin. "Bakit ako? Wala naman kami masyadong pinagsamahan?"



Bumuntong hininga si Mariz. "Let's just hear it from Yuan, Ate Leanne, and Kenzo since sila naman ang maraming memories with Kuya Warren. Kung may maalala ang iba sa atin, pwede namang sabihin anytime. For example, si Lucas, madalas silang magkasama nitong apocalypse. Just, everything we know about Kuya Warren."



"Alright." Napalingon ang lahat ng magsalita si Yuan. Sandali pa itong pumikit para humugot ng malalim na hininga. Hindi pa man nagsisimula ay nanunubig na ang kanyang mga mata.



"You can do this," bulong ni Lucas na siyang katabi ng dalaga. "For Warren."



"For Kuya Wawie." Tumango si Yuan saka muling iminulat ang kanyang mga mata. "Some of you probably know already, my nickname was supposed to be 'Lu' since that's the only difference my name has compared to Ate Yan's. Kaya lang, there's this little boy..."



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon