10 - Stick to the plan

11.1K 842 463
                                    

10 - Stick to the plan



"How the hell are we gonna get out?" wala sa sariling naitanong ni Marielle nang matanaw ang sandamakmak na zombies sa kalsada. Nagkalat ang mga iyon at ang ilan ay nasa tapat mismo ng bahay nina Yuan.



"We need to plan this." Gaya ng kanilang Class President, hindi rin maialis ni Jet ang tingin sa harapan.



Nadadagdagan ang mga zombies na lumalapit sa labas ng bahay ng mga Ignacio dahil sa ingay na ginagawa ng makina ng bus, at ng pagbangga nito sa mga bangkay na naglalakad. Nang marating nila ang tapat ng gate, nasa higit trenta na ang mga zombies na naroon.



Naagaw ang pansin ng lahat noong tumunog ang cellphone ni Yuan. Lahat sila ay nakatingin sa dalaga hanggang sa sagutin nito ang tawag.



"Yes, Mom. It's us." Hinawi ni Yuan ang isa sa mga kurtina para sumilip sa kanilang bahay. "We can't go out, yet."



"Dad," tawag ng dalaga sa kanyang ama ng kuhanin nito ang telepono sa kaniyang ina. "More than thirty, I think."



"Alright." Nang matapos ang tawag ay sinalubong ni Yuan ang tingin ng mga kasama. "The gate is closed. Dad and Lolo will open it when we're ready."



"So, what are we gonna do?" tanong ni Kevin. Bitbit na rin niya ang kanyang bag.



"We fight, of course." Tumayo si Lucas at isinandal ang baseball bat sa kanyang balikat. Lumingon siya kay Yuan at tumango naman ang dalaga.



"Alright, the gate is big but it won't reach the bus. See those marks on the concrete ground? Hanggang doon lang umaabot ang dalawang pinto ng gate namin kapag binubuksan," paliwanag ni Yuan sa mga kasama. "There will be a space enough for zombies to come in so we need to be fast."



"Bubuksan ba muna nila Tito yung gate bago tayo lumabas? Or bababa muna tayo?" Natigilan pa ang lahat ng marinig na magsalita si Rina. Kahit namumugto pa rin ang mga mata, seryoso ito at handa na rin sa mga pwedeng mangyari.



"Bababa muna kami ni Lucas."



"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Mariz na lumapit na din sa unahan. Samantala, hindi man lang nag-react si Lucas. "Yuan, kahit anong maging plano natin dito, sobrang laki ng risks. Bakit mauuna ka nanaman?"



"Sa dami ng mga zombies na yan, pwede din nilang maitulak pasara ang gate," sabi naman ni Jet.



"Exactly." Tinignan ito ni Yuan. "We need to make sure that there would be no zombies enough to move the gate--"



"While we hold it." Muling natigilan ang lahat noong si Vic naman ang magsalita. Seryoso din ito at tila handa na ulit lumaban.



"We'll keep it steady." Maging si Kenzo ay tumayo na. Napangiti si Yuan at tumango dito.



"Okay, so here's the plan." Malakas ang boses ni Marielle para siguradong maririnig at maiintindihan siya ng lahat. "Bababa sina Yuan at Lucas, bubuksan ng tatay at lolo ni Yuan ang gate, the guys will go out to hold it. Isasara ni Manong ang pinto per batch para magkaroon ng time ang mga nasa labas na pumwesto."



"Mabilis kayong papasok at walang lilingon," seryosong dagdag ni Jet. "Susunod kami agad."



"Susunod kayo agad," pag-uulit ni Grace at isa isang tinignan ang mga kasamang lalaki. "Walang maiiwan."



"Manong, kapag nakababa na po ang lahat, sumunod na po kayo at dumiretso sa loob ng bahay." Binalingan ni JL ang driver na hindi umaalis sa pwesto nito.



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon