12 - Sword

11K 799 308
                                    

12 - Sword



Tahimik na pumasok si Yuan sa kulay asul na silid. Nagkalat ang mga laruan sa sahig at nagpe-play pa ang Spiderman movie sa TV na nakadikit sa pader. Dahan-dahan niyang nilapitan ang kama at napangiti ng makita ang natutulog na kapatid. Naupo siya sa tabi nito.



"Liam, nandito na si Ate Yuan." Sinubukang gisingin ng dalaga ang bunsong kapatid. Gumalaw ito at bahagyang nagmulat ng mata. Akala ni Yuan ay gising na ito pero tumalikod lamang ang bata at muling pumikit.



Napangiti si Yuan. Muli niya sanang gigisingin ang kapatid ng bumukas ang pinto at pumasok din sa silid si Warren.



"Oh, tapos na kayong maligo?" tanong niya sa lalaki na ngayon ay nakasuot na ng gray na hoodie at itim na jeans. "Rubber shoes na rubber shoes ka pa sa kapitbahay lang naman punta mo."



"Everybody's downstairs," sagot ni Warren sa tanong. "And it's zombie apocalypse, we should always be ready to move. Ikaw nga nakasapatos din. At naka-all black ka na damit at pantalon pero bakit puti nanaman ang rubber shoes mo?"



"Alam mo namang puro puti lang ang mga rubber shoes ko," sagot ni Yuan at muling binalingan ang kapatid na natutulog pa din.



"Tulog pa din si Liam?" Lumapit din si Warren sa kama.



"Ginigising ko pero bumabalik lang ulit sa pagtulog," naiiling na sabi ni Yuan habang hindi inaalis ang tingin sa kapatid. "Sabi ni Mom nakatulog daw 'to dahil sa pag-iyak. Natakot siguro."



"He saw me killing his zombie classmate." Bahagyang nagulat si Yuan sa narinig. "I didn't know what to do, she almost grabbed Liam."



Mapait na napangiti si Warren. Iniangat nito ang mga palad saka iyon tinignan. "These hands just killed a 6 year old kid."



"Kuya Wawie, we both know that that kid's already dead," may diin na sabi ni Yuan saka muling nilingon ang kapatid. "Liam's just shocked but he'll understand someday."



Muling nilingon ng dalaga si Warren. "He would even thank you when that day comes."



Nanatiling nakayuko si Warren. Huminga ng malalim si Yuan saka tumayo. Tinapik niya ang balikat ng binata at ng lumingon ito sa kanya ay nginitian niya ito.



Lumabas ng silid ang dalawa saka sabay na bumaba ng hagdan. Kapwa napakunot ang noo nila ng madatnan na seryoso ang lahat ng nasa sala.



Sinalakay si Yuan ng matinding kaba ng makitang umiiyak ang kanyang ina.



"M-Mom, what's the problem?" Napalingon ang lahat sa direksyon nila ni Warren.



Agad namang tumayo si Lucia para lapitan ang anak. "Your sister just called. They're trapped inside the school."



"Then we'll go get them."



Nang marinig ang sinabi ng dalaga ay agad na tumayo si Lucas. Hindi na ang puro dugo na university jacket ang suot nito kung hindi isang plain na itim na jacket na nakapatong sa itim din na t-shirt. Mula ulo hanggang paa ay itim din ang suot nito. Ang naiiba lamang ng kulay ay ang gold na baseball bat na siyang ginagamit nito sa pakikipaglaban sa mga naglalakad na bangkay.



"Hindi ko mailalabas ang kotse kung nakaharang ang bus sa gate--" Hindi natapos ni Henry ang sasabihin ng tumayo din si Jules, ang driver ng university bus.



"Iyong bus na lang ang gamitin. Ako na rin ulit ang magmamaneho."



"Sigurado po ba kayo, Manong?" tanong ni Grace na siyang katabi ng driver. "Nakita naman po ninyo kanina kung gaano kadelikado sa labas."



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon