4 - Damn

14.3K 977 1K
                                    

4 - Damn



"Fuck, we need to go! Go! Go!" sigaw ni Kenzo kaya nagtakbuhan ang lahat pababa. Mas mabilis kaysa kanina, mas takot at kinakabahan.



Si Yuan na ang nauuna at agad niyang hinahampas ang iilang zombies na nakaharang sa dinadaanan nila.



"Bakit ang bilis namang nagtransform ni Joy?!" tanong ni John habang tumatakbo sila. Hindi siya nakakuha ng sagot sa kahit na sino. Kahit si Yuan na maraming alam sa zombies ay naguguluhan at hindi makapaniwala sa nangyari.



Dala na rin ng takot ay mabilis silang nakalabas ng Engineering Building. Hinihingal na inilibot nila ang paningin sa paligid noong may makitang nakaparada sa di kalayuan.



"Sa school bus, bilis!"



Tumakbo ang magkakaklase palapit sa kung saan nakaparada ang bus at laking pasasalamat nila ng makitang may tao sa loob.



Mabilis silang napansin ng driver at sumenyas sila na buksan nito ang pinto. Kaunti na lang at makakarating na sila sa bus ng biglang pindutin ng driver ang busina. Ilang ulit niya iyong pinatunog.



"Pucha, tanga ba yang driver na yan?!" naiiritang tanong ni Princess habang tumatakbo pa rin silang lahat.



"May sinasabi siya!" hinihingal na sigaw din ni Grace.



Nakita din ni Yuan na tila may itinuturo ang driver kaya lumingon siya sa likod habang tumatakbo.



"Nick!"



Mabilis na lumingon sa kanyang likuran si Nick at ng makita ang zombie sa kanyang likod ay agad siyang nagpakawala ng suntok. Pero mali talaga ang makipaglaban ng pisikal. Bumaon lamang ang kamao niya sa tila naaagnas na mukha ng zombie na iyon kaya mas lalo lamang siyang nahirapan.



Wala na silang nagawa ng kainin ng mga zombies si Nick.



"Bakit yung sinuntok ni Nick, nakakatakbo? Tangina?" takang-taka na tanong ni John pero wala pa rin siyang nakukuhang sagot.



"Tangina nga," bulong ni Yuan sa sarili. Naiinis siya dahil inakala niyang handa na siya sa ganitong sitwasyon sa sobrang dami ng napanood niyang zombie movies at series, pero iba ang nangyayari.



Ilang zombies pa ang lumapit sa direksyon ng bus dahil sa ingay na ginagawa ng mga estudyante.



"Get in! Bilis!" sigaw ni Marielle sa kanilang lahat. Nauna na siyang pumasok at hinihila ang mga hinihingal niyang kaklase paakyat sa bus.



Nagpaiwan si Yuan para gwardiyahan ang mga nahuhuli. Ilang zombies pa ang napatumba niya bago nakasakay sa bus ang lahat.



"Yuan, sakay na!"



Tinadyakan na lamang ni Yuan ang kamay ng zombie na pilit siyang hinihila saka pumasok. Mabilis na isinara ng driver ang pinto at hingal na hingal na bumagsak sa hagdan ng bus ang dalaga.



"Ano ba talaga ang nangyayari?" ilang ulit ng tanong ng 60 years old na driver sa kanila. Wala siyang ideya sa nangyayari sa paligid at natataranta na siya.



"Manong, next time po ha, wag kayong bubusina," hinihingal na sabi ni Yuan na ikinakunot lalo ng noo ng driver. Si Marielle na lamang ang nagpaliwanag dito ng lahat.



"Tubig! Tubig for Yuan, dali!"



Mabilis na naubos ni Yuan ang kaunting laman ng boteng iniabot sa kanya ni JL. Ilang beses siyang huminga ng malalim, pilit pinapakalma ang kanyang buong sistema.



2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon