Chapter 1

13.5K 296 33
                                    

Kahit alam kong fifth wheel lang ang ganap ko sa outing na 'to, sumama na 'ko dahil sa pamimilit ng mga kaibigan ko. It's a long weekend, so we'll celebrate Nikki's birthday in their hometown. Umalog ang sinasakyan naming van na parang may nadaanang lubak kaya napalingon ako sa labas.

Bahagya akong nag-he-headbang para sabayan ang tugtog sa radyo. Nangawit na lang akong maupo nang diretso kaya sumandal ako. Nakaupo sa harap ko sila Nikki at Von, habang nasa driver's seat si Katrin at nasa passenger seat si Dwight. Gets niyo naman na siguro kung sino ang mag-jowa.

"Oh, Cecilia! You're breaking my heart!"

Sabay-sabay silang kumanta, pero isa lang ang nasa tono at 'yong tatlo, sumisigaw na lang. Hindi na ako nakikanta dahil inabala ko na ang sarili ko sa pagdutdot sa lata ng Pringles.

Nikki glanced at me kaya nilingon ko siya. Saglit din siyang tumingin sa iba na tila tintantya ang sukat ng mga katawan namin. "I have news. May naiwang mga gowns and suits sa bahay so... naiisip niyo ba ang naiisip ko?"

"Kung ano man iyan, ayokong isipin," sabat ni Von.

Tumawa si Katrin habang hinampas ni Nikki ang boyfriend niya. "I'm serious! I want us to dress up!"

"Ano tayo, mga Barbie and Ken?"

"Why not?!"

Napangiti na lang ako at tumanaw sa labas habang patuloy silang nagbabangayan. Maya-maya, bumagal ang takbo ng sasakyan. Nagsilingon kami sa harap. Naghihintay ng sasabihin ni Dwight.

"What happened?" tanong ni Von. Sa kanila kasi itong van. Sabi niya pinuslit niya lang ito sa nasa anim nilang sasakyan kaya hindi 'to pwedeng masira. Grounded na naman 'to, sigurado.

"I don't know. The engine just died," sagot ni Dwight at muling binuhay ang makina.

"So?"

"Give me a sec."

Ilang minuto kaming naghintay pero tuwing susubukan niya, namamatay lang din ang makina.

"Oh, no..."

Napalingon kami kay Nikki. Diretso siyang nakaupo habang nakatanaw sa labas. Hindi gumagalaw na akala mo nakakita ng multo.

"What?" tanong ni Von sa tabi niya.

"Let's get out of here. Now!" sabi ni Nikki bago niya pinihit pabukas ang pinto sa gilid niya.

Mabilis na pumasok ang liwanag at panghapong hangin kaya saglit akong napapikit. Si Von naman, hinila ang braso ng girlfriend niya para pigilan ito. "Let Dwight fix the car first. Huwag na tayong bumaba, ang init, o."

"Lakarin na lang natin dahil malapit na lang tayo. Ayokong magtagal pa dito. Let's go!"

Pinihit na ni Nikki na ang pinto pabukas kaya napilitan na rin kaming bumaba. Imbes na sa side ni Nikki, bumaba ako sa side ni Von dahil sa tanawing napansin ko sa labas. Nasa gilid kami ng bangin. Sa baba nito ay mahabang ilog at isang maliit na parang warehouse.

"Look at that mansion."

Nang marinig ko ang boses ni Nikki, naglakad ako sa likod ng van at umikot papunta sa direksyon nila. Mabato ang malawak na daan. Humahampas naman ang hangin kaya ipunusod ko ang buhok ko habang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin ng van.

"That's... archaic," bulong ni Katrin.

Nakaharap na rin lang ako sa salamin ng van kaya hinanap ko na roon ang repleksyon ng tinutukoy nilang bahay. Umawang ang bibig ko. Oh. Nakatingin sila sa isang mataas na burol. May malaking mansyon sa tuktok nito. Hindi ako nakuntento sa repleksyon lang kaya lumingon na rin ako.

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now