Chapter 19

2.3K 97 30
                                    

I carefully held my glass of wine habang palapit sa hagdan para nang makababa. May sumalubong sa 'kin pero hindi ko na tinignan. Naramdaman ko na lang na may humila sa pulsuhan ko kaya tumapon ang dala kong wine.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking humawak sa 'kin. "Ano ba, ang lawak ng daan dito oh," sabi ko.

"Sorry for that. Let's get you another one?" saka siya ngumiti nang nakakaloko. Habang tumatagal ang titig ko sa kaniya, mas lalo ko na-realize na sinadya niyang tabigin ako.

"You're pathetic."

"What the hell did you say?" Humakbang siya palapit kaya napaatras ako - he's fucking tall. Humakbang siya lalo kaya tuloy-tuloy lang ako sa pag-atras. Nilingon ko agad ang hagdan sa likod ko pero hinila niya ang braso ko para maiharap sa kaniya. "Hindi mo ba ako kilala? I'm Senator Perenia's son," sabi niya.

"Okay. Update kita kapag may pake na 'ko." Binawi ko ang braso ko at nag-attempt na bumaba sa hagdan.

"Come on, Ginny. Let's enjoy the night. Hayaan na natin sila sa baba—"

"Humanap ka ng ibang kausap mo!"

Hinila niya ako ulit kaya hinampas ko sa kaniya ang hawak kong wine glass. Napasinghap ako sa tumalsik na bubog habang unti-unti siyang napaluhod sa sahig.

"You fucking bitch!"

Sinubukan niyang hilahin ang dress ko kaya umatras ako lalo. Hindi ko napansin ang taong paakyat sa hagdan kaya bumunggo siya sa likod ko.

"Ahh!"

Bago ko pa ako makapag-sorry, nahulog na ang babae sa hagdan. Her head bumped repeated against the steps. The guests downstairs freak out and everyone yelled. Parang bumagsak din ang puso ko habang nakatayo sa taas ng hagdan.

"Vivian!" sigaw ng isang babaeng papalapit sa kaniya.

Oh, no. Bumagsak ako sa sahig habang pinagmamasdang kumalat ang dugo mula sa ulo ng babae.

"You have arrived at your destination."

Bumaling ako kay Gerard nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang two-story restaurant. "Can you wait here?"

Tinignan niya ako mula sa rear-view mirror. "May kikitain ka ba?"

"Wala." Tipid akong ngumiti at muling bumaling sa labas. "I just need time to be alone."

Pagbaba ko ng sasakyan, tinitigan ko ang restaurant sa harap ko. It's been four years since the last time I came here. Nilingon ko ang paligid at napabuntonghininga. After that night, I never thought of this place again. Dumaan lang sa buhay ko ang lugar na ito at nakalimutan ko na, pero hindi ko akalaing kailangan kong balikan ito ngayon para alalahanin ang lahat ng nangyari.

Pumasok ako sa malawak na entrance at sinalubong ng isang receptionist. "Good evening, Ma'am. Did you book for reservation?"

"Yes. Ginny Del Mar."

Saglit niyang tinignan ang hawak niyang planner kaya inilibot ko muna ang tingin ko sa paligid. The interior design is totally different now but that staircase...

"This way, Ma'am."

Iginiya ako ng receptionist patungo sa hagdan. Parang bumagal ang oras nang maakyat ko ang unang baitang. Hinaplos ko ang barandilya ng hagdan habang inaalala ang nangyari sa gabing 'yon. I closed my eyes nang puro sigaw at maraming dugo na lang ang alaalang pumapasok sa isip ko. Pag-akyat namin, saglit akong lumingon sa baba kung saan tahimik na kumakain ang mga tao.

"Ma'am?"

Nilingon ko ang receptionist na naghihintay na sa 'kin sa isang pinto. Ngumiti ako at naglakad na palapit. "Thank you."

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now