Chapter 18

2.4K 106 24
                                    

"How dare you forget the face of someone you almost killed?"

I blinked and stared at her intently. "Are you joking?"

"If I'm, that would be a terrible joke. Pero alam mong totoo 'yon, nakalimutan mo ba o pinilit mo lang kalimutan?"

"I don't even know your name."

"It's Vivian Melecio. Do your research, Honey. Sa susunod na magkita tayo, I will offer you... a deal." Tumayo na siya at naglakad paalis habang naiwan ako ritong nakatulala. I don't get it. She's someone that I almost... what? Nilingon ko ang pintong nilabasan niya at tumayo agad para sumunod pero paglingon ko sa paligid, hindi ko na siya makit. Naapansin kong wala si Gerard sa paligid kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinawag siya,

"Hello?"

"Asan ka?"

"Basement. May hinahanap lang ako."

"Babae?"

Saglit siyang natigilan bago nakasagot. "Oo. Nandiya siya? 'Wag kang aalis diyan." He ended the call kaya natulala na naman ako sa cellphone ko. I can't believe it, nailigaw niya si Gerard para makausap ako? Who is that woman?

Gerard came habang lumilingon-lingon sa paligid. Tamad ko siyang binalingan nang huminto siya sa harap ko. "She's gone."

"Anong sinabi niya? May ginawa ba siya sa 'yo?" Saka niya ako tinignan mula ulo hanggang paa.

"So, you know her. Well, it's obvious, you all know her at ako na lang ang hindi. Just tell me who she is."

Iniharap niya na ako sa gawi ng exit at iginiya ako sa paglalakad. "Mahuhuli ka na sa klase mo."

Hindi na naalis sa isip ko si Vivian hanggang sa school. I'm having a hard time making a Venn diagram pero mas lalo pa ako na-distract nang maramdaman ko ang paggalaw ng siko ni Dwight sa tabi ko. Here we go again.

"Where's Nikki?"

"Ako pa talaga tinanong mo."

Bumukas ang pinto kaya nilingon namin ito. It's Katrin with her bloodshot eyes. Parang galing sa iyak. Nilingon niya si Dwight bago piniling maupo sa harap. Bumaling din ako kay Dwight at itinuro ang direksyon ni Katrin gamit ang ballpen ko. "Ginawa mo?"

Marahan siyang umiling. "Nothing." Tinaasan ko siya ng kilay kaya napabuntonghininga na lang siya at mas lalong sumandal sa upuan niya. "She wanted to work it out again."

"And?"

"Tumanggi ako." Tumango ako at bumaling na ulit sa sinusulat ko pero nagsalita pa siya ulit. "Bakit pala kayo umalis nang maaga kagabi?"

Tinuloy ko lang ang pagsusulat at hindi na lumingon. "Masama pakiramdam ni Lola."

"Someone came by last night."

Doon na umangat ang tingin ko at dahan-dahan siyang nilingon. "Who?"

"Mom's friend, but that woman is way younger. Parang nasa 30s lang. She's different."

"Different?"

"I've never seen her, but Mom said that they're close."

Marahan akong tumango. "Mukha naman siyang mabait."

Umiling siya agad habang nagsusulat na rin. "Nangyari na 'to noon. My aunt met a young woman pagkatapos nauto siyang mag-invest sa isang kompanya at tinangay ang pera niya."

Ngumuso ako at sumandal sa upuan ako. "Hindi naman siya mukhang scammer."

Nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa 'kin. "See? Kahit ikaw na laging may trust issue, nadadala sa babaeng 'yon." Sinamaan ko siya ng tingin kaya nag-peace sign agad siya. "I'm just saying, I don't trust her."

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now