Chapter 17

2.6K 107 35
                                    

Humarang ako agad sa harap ni Hugo kaya mas lalong kumunot ang noo ni Gerard. "Ginny, halika rito." Napalunok ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko habang nakalahad ang kamay niya. Why on Earth do I have to be in this kind of situation!?

"What are you doing? Put the gun down. I... I know this guy. I'm friends with Dwight kaya kilala ko ang mga househelp dito." Nanginginig na ako sa kaba pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. I can't imagine a life without Hugo, let alone a life where he's dead.

Kumuyom ang panga ni Gerard at mas lalong inilahad ang kamay. "Ma'am, come here..." Naramdaman niya siguro ang kaba ko kaya lumambing ang boses niya. Para hindi na siya lalong magduda, inabot ko agad ang kamay niya at hinayaan siyang hilahin ako palapit. I held his arm habang nakaharang ito sa tapat ko. "Gerard, ano ba. I'm also your boss. Makinig ka nga sa 'kin. You're overreacting."

Ibinaba niya ang baril niya habang hindi inaalis ang tingin kay Hugo. "Patingin ng mukha mo."

Napasinghap ako sa gulat kaya umakto akong nasusuka. Agad na bumaling si Gerard sa 'kin at isinuksok ang baril sa likod niya para maalalayan ako. "Ma'am?"

"Nasobrahan yata ako ng kain."

Dinala niya ako sa restroom kaya nagkaroon ako ng pagkakataong mapag-isa. Naupo ako sa lababo at agad na napapikit habang pinapawi ang kaba. Natanaw ko ang purse ko kaya kinuha ko ang cellphone ko sa loob nito at tinawagan si Hugo,

"Hello?"

Naririnig ko ang hampas ng hangin sa kabilang linya kaya nasa labas na siguro siya. Kusang tumulo ang luha ko habang nakatitig sa sahig. "Ganito na lang ba tayo palagi?" Hindi siya nakasagot kaya tumikhim ako at tumingala. "I know we're... we're different but we're getting painfully different, Hugo. Do you know that my parents are hunting you?"

"Ginny, let's talk about this when we meet—"

"E, hindi nga natin magawang magkita. Lalo na ngayong may bodyguard na 'ko, how long should I supposed to endure hanggang sa maging normal tayong dalawa?"

Natahimik na naman siya kaya mas lalo akong naluha. I sobbed and cried my heart out. I miss him. Gusto ko siyang mahawakan at mayakap. Love is supposed to make people strong but why does it make me fragile?

"Ginny, don't cry. I'm sorry."

Pinunasan ko ang luha ko. "If you want this to work, magpakilala ka kila Lolo at Lola."

"Ilalayo ka nila sa 'kin."

"But why? Ano bang nangyayari? Bakit parang ako na lang ang walang alam!?"

"I just need more time. Malapit na. Magpapaliwanag ako kapag maayos na ang lahat."

"Kapag maayos na lahat? Gusto mong nakatanga lang ako rito habang nagkakagulo kayo? How am I supposed to live like that?"

Bumukas ang pinto at saka pumasok si Gerard kaya natigilan ako. Agad siyang lumapit para hablutin ang cellphone ko. Inilapat niya ito sa tainga niya at saka bumaling sa 'kin. "I will find you."

Naestatwa na ako habang nakatingin sa kaniya. Fuck. Nang ibaba niya ang cellphone ko, padarag niyang inabot ang paper bag. "Baka lagnatin ka. Magbihis ka na." Hindi na ako nakagalaw kaya inilapag niya na lang ang paper bag at cellphone ko sa lababo. Nang tumalikod siya, saka ko lang naipon ang lakas ng loob kong magsalita. "Sasabihin mo ba kila Lola?"

"Ikaw ang dapat magsabi."

Pinihit niya na ang pinto kaya bumaba ako mula sa lababo. "I won't tell them. Ayokong malaman nila... sa ngayon."

Nilingon niya ako gamit ang matalim niyang tingin. "Hindi mo 'to maitatago sa kanila."

Saglit pa akong natulala nang mag-isa rito sa banyo. Kung wala pang pumasok na bisita, hindi pa ako gaganahang magbihis. Paglabas ko sa banyo, nakaabang na si Gerard sa gilid ng pinto.

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now