Chapter 28

1.8K 83 13
                                    

My palms were sweating habang nagmamaneho patungo sa bahay nila Katya. I blinked when the setting sun hit my eyes, it's been almost an hour at hindi ko alam kung bakit masama ang kutob ko.

Binagalan ko ang pagmamaneho dahil sumikip na ang daan at paghinto ko sa tapat ng isang nasa dalawang palapag bahay, saglit ko itong pinagmasdan bago bumaba. Lumingon ako sa paligid ng bahay, lumubog na ang araw kaya tanging ilaw na lang sa isang lamp post ang nagbibigay liwanag sa kalsadang 'to.

Nilakad ko ang maliit na bakanteng lote para makarating sa mismong pinto ng bahay. Kakatok na ako nang mapansin ang bintana sa gilid kaya sinubukan kong sumilip doon. Nakapatay ang ilaw at may nakaharang na manipis na kurtina pero nakikita ko ang nakabukas na TV.

"Ano 'yon?"

Fuck. My heart jumped when I heard someone speaking.

"Uh..." Umatras ako at pinakalma ang sarili. "Good evening. I'm here for Katya. The school has this new counseling program. Bumibisita kami sa bahay ng mga estudyante once a month and I'm scheduled to visit her today."

Saglit na natahimik ang paligid kaya sinulit ko ang pagkakataong makahinga nang maayos. A bulky middle-aged man pulled the door and stared at me.

"Wala siya rito. Bumisita ka nang mas maaga sa susunod."

"But she, uh, her class ended an hour ago, so I thought she's home. Pasensya na po sa abala. I'll go ahead."

Tumango lang siya at isinara na ang pinto. My feet couldn't move, hindi ko magawang umatras dahil masama talaga ang kutob ko. My gut feeling just won't let me leave. Tinitigan ko nang maigi ang buong bahay.

Come on, Katya. Let me know you're here.

The window slid open at sumungaw ang mukha ng lalaki. "Hindi ka pa ba aalis? Kapag may asong nakakita sa 'yo diyan, bahala ka."

Tipid akong ngumiti. "Aalis na ho. Pasensya na."

Tumalikod na ako at lumapit sa sasakyan ko. I was about to open the car door when I noticed a reflection of blinking lights on my windshield. I froze as I stared at it hanggang sa mapagtanto kong galing ito sa ikalawang palapag ng bahay. The blinking stopped and I couldn't move.

What do I do?

I boarded my car and dialed Jim's number. "Something's wrong."

"Saan? Nasaan ka?"

Bumukas ang ilaw ng bahay kaya saglit ko itong pinagmasdan. Natanaw ko ang isang pigura mula sa bintana kaya agad kong ibinaba ang windshield at pinagmasdan ito. My eyes widened when I realized that it was Katya.

"Call the cops."

I ended the call and quickly hopped off my car as I held tight on my bag. Kinatok ko agad ang pinto at hinintay na magbukas ito.

"Katya? It's me!"

Ilang saglit pa bago bumukas ang pinto at tila nalaglag ang puso ko nang makita ang dugo sa puting bestida niya. Her expression is blank while holding a knife.

"What... happened?"

Lumingon siya sa gilid kaya marahan ko rin 'yong tinignan at natigilan nang makita ang lalaki kanina. Hindi na gumagalaw at duguan sa sofa.

"What the..."

"I had to do it."

Bumalik ang tingin ko kay Katya na inilapag sa coffee table ang kutsilyo at saka naglakad patungo sa lalaki. Kinapa niya ang bulsa nito at kinuha ang isang susi. Lumapit siya sa isang pinto at binuksan ito. "Gabe?"

Lumabas mula sa dilim ang isang batang lalaki at niyakap siya habang umiiyak. "Ate!"

Lumuhod si Katya at pinunasan ang mukha ng bata na namantsahan ng dugo. "Ssshh. Punta ka muna sa kwarto ni Ate." Dinala niya agad ang bata patungo sa isang kwarto bago pa nito mapansin ang lalaking nasa sofa.

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now