Chapter 5

3.5K 143 37
                                    

Napawi ang ngiti ko sa sinabi ni Von pero naunahan ako ni Dwight na magsalita. "Enough with that kind of dare."

Umismid agad si Katrin at humalikipkip habang naka-indian sit. "Ano ka ba? Dare lang naman. Hindi siya ang birthday girl kaya hindi siya pwedeng tumanggi."

Umiling si Dwight. "Come on, guys. Ang petty nito—"

"Are you serious? Bakit kanina ayos lang sa 'yo kapag si Nikki ang gagawa, pero kapag si Ginny umaarte ka diyan? Ikaw umamin ka nga sa 'kin..." Inawat siya agad ni Nikki pero pumiglas siya. "'Wag mo 'kong pigilan!"

Nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Dwight.

"Kanina ko pa kayo napapansin, e. Akala niyo hindi ko nakikita 'yong mga tinginan niyo, ha?"

"Stop it, Kat. Nagta-tantrums ka na naman—"

"No! Alam ko kung anong nakikita ko. I'm not dumb at lalong hindi ako tanga!"

Huminga ako nang malalim at umirap sa hangin. "You're paranoid."

Umirap lang din sa 'kin si Katrin bago bumaling kay Dwight. "Kung talagang hindi mo siya gusto, shut the fuck up at hayaan mo siyang gawin 'yong dare."

Nilingon ko si Nikki na hindi man lang umalma habang si Von, pumalakpak sa hangin at tumayo na. "Let's go, motherfuckers. Kailangan na rin nating magpahangin sa labas. Uuwi na rin naman tayo bukas kaya sulitin na natin. Come on!"

Nauna na silang tumayo kaya wala akong choice kundi sumunod. Nagkaniya-kaniyang kuha sila ng bote ng alak pero dumukot na lang ako ng dalawang pirasong onion rings. Naglakad kami patungo sa burol habang may dalang gsera sila Nikki at Von na kinuha nila sa poste ng cottage.

Nakatingala ako sa maaliwalas na langit habang naglalakad. I can't believe that I'm coming back to that mansion. Kita kong hindi pa rin komportable si Nikki pero hindi na lang siya nagsasalita. Lumapit ako at marahang hinaplos ang balikat niya. "I'm sorry."

Tumango siya at ngumiti. "We're leaving tomorrow, anyway. Okay na rin 'to para may thrill."

Habang inaakyat namin ang burol, huminto kami saglit dahil nagpa-picture si Katrin sa gilid ng lamp post.

"Sayang naman walang signal. Instagrammable pa naman 'tong lugar."

Nang tuluyan kaming makarating sa tapat ng mansyon, hinanap ko agad ang caretaker pero wala siya. Madilim ang mansyon bukod sa mga ilaw sa veranda. Lumapit sa 'kin si Katrin na halatang nakainom na. "Come on, bitch. Knock on that door." Tinulak niya ako paabante kaya saglit ko silang nilingon.

Nakangiti lahat maliban kay Dwight na nakahalukipkip lang sa gilid. Lumakad na ako patungo sa pinto at huminga nang malalim bago kumatok. Ilang segundo pa, walang nagbukas ng pinto.

"What now? May tao ba?" tanong ni Katrin sa likod ko.

Nilingon ko ulit sila na naglalakad na palapit sa 'kin. Si Von, nakatingala na lang sa langit. "Mas magandang mag-star gazing dito."

Pinagmasdan ko sila habang nakaupo na sa hagdan ng veranda at nakatanaw sa mga bituin sa langit. "Are we really gonna stay here?"

"Yes, Ginny. Sit the fuck down." Sagot ni Von.

Naupo na lang din ako sa tabi ni Nikki na nae-enjoy na rin ang tanawin. Tumayo si Dwight at lumingon sa paligid. "Alam ko na kung paano palalabasin 'yong tao diyan."

Hinayaan namin si Dwight na lumakad patungo sa likod ng bahay. Kung makasira siya ng gamit diyan, bahala siya. Biglang dumilim ang paligid nang mamatay ang ilaw sa mismong veranda kaya nagsitayo kami agad.

I'm Yours to AdoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon