Chapter 12

3.5K 136 45
                                    

The day went on at agad na kumalat ang balita tungkol kay Von. Siguradong pinagpipyestahan sa mga news outlet ang nangyari at nalaman kong may media na sa bahay nila. My classmates were talking about him too while looking for Nikki na hindi pumasok. Dahil diyan, ako ang pinepeste nila. "Did you guys know about that?"

Marahan akong umiling. "Do you think we'll let him keep his ex kung sila na ni Nikki?"

"So, who's the girl? Of course, confidential 'yon kaya hindi sinabi sa news but do you guys know?"

Nagkibit-balikat ako. "No," sagot ko at saka sinalpak na ang earphone ko bago sumandal sa pader. My head hurts like hell at hindi ko maigalaw nang maigi ang leeg ko. Naramdaman kong may tumabi sa 'kin kaya dumilat ako at natanaw si Dwight sa tabi ko. He's not there when Anton tried to touch me kaya hindi ako sigurado kung alam niya o hindi.

"Hindi ko alam na magagawa 'yon ni Von."

Bumuntonghininga ako habang nakapikit pa rin. "Kaya pala madali sa kaniyang hampasin ako ng bote kasi may itinulak na siya sa hagdan at itinago nang isang taon."

"How did you guys find out?"

Hindi na ako sumagot hanggang sa maramdaman ko ang daliri niya sa ilong ko kaya dumilat ako. "Ano ba?"

"Anong nangyari diyan?"

Pumikit ako ulit habang nakasandal pa rin ang ulo ko sa pader. "Anton tried to touch me. That bastard is a rapist."

"What!?"

Napalingon ang mga kaklase namin kaya hindi na ako sumagot hanggang sa padarag siyang tumayo at lumabas sa classroom. I finished my three classes nang wala 'yong tatlo at nang oras na para umuwi, sinalubong ako ni Dwight at Anton sa hallway.

Pinagtitinginan ang dalawa dahil parehong may pasa sa mukha pero mas nabugbog ang mukha ni Anton. Nang huminto ako sa harap nila, agad na hinawakan ni Anton ang kamay ko pero hinawi ko 'yon. "What do you want?"

"I'm sorry. I was—Von blackmailed me. I had no choice."

"Kaya mas okay na gawin mo sa 'kin 'yon?"

Natigilan siya at marahang umiling. "I'm sorry."

Nilagpasan ko na sila at bumaba sa hagdan pero hinabol ako ni Dwight. "Ginny, wait."

Huminto ako at hinarap siya kahit pinagtitinginan kami ng mga dumadaan. "Look, Dwight. 'Wag kang gumanti para sa 'kin. Hindi nito mababayaran ang nagawa mo."

"Naka-ventilator na lang 'yong bata. He's gonna die, anyway."

"But it's not your decision when! Si Don dapat ang magde-decide kung kailan papatayin ang life support. He's the father for fuck's sake."

"Pero sinusubukan kong bumawi sa 'yo. Hindi ko ginusto 'yong ginawa nila Von. Wala akong magawa—"

"May magagawa ka. Hindi ka imbalido nang gabing 'yon, you should've at least tried... to stop them pero wala kang ginawa. Hindi ka umangal, so you consented to my death."

"I'm sorry."

"It's useless."

Nauna na akong maglakad at dumiretso sa parking lot. Nagpahain ako agad ng pagkain pag-uwi ko pero tulala lang ako sa lamesa habang nakatitig sa mga larawan namin nila Nikki sa pinto ng fridge. I truly valued my friendship with them, kaya siguro sobrang sakit ng nangyari, dahil sobrang mahalaga rin sila sa 'kin. It's not true that your friends will never betray you, in fact, they are the first ones who might, because betrayal never comes from your enemies but from the people you trust.

"Ate Diana, pakiligpit na 'to."

Tumayo na ako at umakyat sa kwarto ko. I took a shower para maalis ang panlalagkit sa katawan ko dahil hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kanina. Nakapikit ako sa bathtub habang pinupunasan ang leeg ko. Kung hindi ako nakalaban, Anton would've been able to do it at alam ng mga kaibigan ko.

Sa gitna ng tulog ko, napabalikwas ako nang makarinig ng kaluskos galing sa glass door. Nakalahad na ang kurtina kaya hindi ko alam kung may tao ba. Tila naestatwa na ako habang naririnig ang kaluskos galing sa labas. Someone's trying to get in!

Kinuha ko agad ang cellphone ko pero natigilan ako nang marinig kong nag-slide na ang pinto. Ilang segundo akong nakatitig sa kurtina habang tahimik ang paligid.

"Sino... sino 'yan?"

Nang mahawi ang kurtina, naibuga ko ang hanging naipon ko at kusang bumagsak sa sahig. Sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ko habang naglalakad si Hugo palapit sa 'kin.

"You... scared me!"

"I'm sorry."

Lumapit siya agad sa 'kin at niyakap ako. I cried in his arm habang paulit-ulit sa utak ko ang mga nangyari ngayong araw. I didn't realize how much I need him until I saw him tonight. Tila matutunaw ako sa init ng mga bisig niya habang iniiyak ko ang lahat ng takot at pagod ko sa araw na 'to.

"Shh..." Binuhat niya ako patungo sa kama at inihiga sa braso niya. "You look exhausted and scared."

Kinagat ko ang labi ko at pinilit na ngumiti. "I'm fine now."

"Alam ko ang nangyari kay Von."

Huminga ako nang malalim at hindi na nagsalita.

"But that alone won't exhaust you. Ano pang nangyari ngayong araw?"

Tiningala ko siya at saka umiling. "Nothing."

Marahan niyang hinawakan ang leeg ko kaya napaiwas ako ng tingin. "Who did this to you?"

"I don't want to talk about it."

Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako. "We need to talk about that, someone hurt you—"

Lumapit ako lalo para halikan siya. Suddenly, all I could hear were our deep breaths as he tried to deepen our kiss. If falling in love with a stranger sound pathetic... then yes, I must be pathetic. But I will never be ashamed of feeling this way because my heart may have failed me many times, but it never lied.

"I love you," bulong ko.

Huminto siya at tinitignan ako habang matamis ang ngiti. "And I love you more."

Maybe I will regret this. Maybe he's not the one for me. Marami akong uncertainties pero hindi ko ipagpapalit ang mga 'yon sa kung anong meron ako ngayon. If I have him, then I will fight for him, I will fight for us.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko, and I let him touch me in ways I couldn't explain. With his lips on mine and his fingers on my skin, I feel safe; I feel protected. His hands caressed my back then slowly untied my satin robe.

Nang matapos, dahan-dahan siyang nahiga sa tabi ko habang inaangat ang kumot. He laid my head on his arm and kissed me on my forehead.

"I love you, Ginny."

I smiled and reached for his lips. "I love you too."

It was a long and tiring day but getting to end it with him is something I look forward to in the future dahil masaya akong kasama siya. Being with him could be the weirdest but is also the best choice I made.

Nagising akong nakasuot na sa 'kin ang roba ko. Hugo's not beside me kaya bumangon ako agad and there I saw him standing shirtless behind the glass door. Kahit ang likod niya, napakaganda ng hubog.

"Hindi 'yan one-way mirror."

Lumingon siya sa 'kin at agad na ngumiti. Naglakad siya palapit at idinantay ang tuhod niya sa kama para mahalikan ako.

"I have to leave."

Marahan akong tumango at hinanap ang t-shirt niya sa kama. Pinanood ko siyang isuot ito sa gilid pero bago pa ako makangiti, hinalikan niya na ako ulit. Mula sa pisngi ko, bumaba ang kamay niya sa leeg ko at marahan itong hinaplos. "I still want to know who did this to you."

Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito. "Hindi na masyadong masakit."

"What's his name?"

"He's just a schoolmate—"

"What's his name?" pag-ulit niya habang nakakunot na ang noo.

I sighed. "Anthony Pacheco."

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now