Chapter 14

2.8K 110 28
                                    

Tinulungan ako ni Caloy na makaupo nang maayos at agad na nag-abot ng panyo kaya kinuha ko ito sa kaniya at itinakip sa ilong ko. Saglit ko siyang pinagmasdan bago lumingon sa paligid. "Is Hugo around?"

Marahan siyang umiling. "Pero kapag nalaman niya 'to, luluwas 'yon."

Pumikit ako at isinandal ang ulo ko bago lumingon kay Anton. "Ano 'yan, nakatulog?" Nagkibit-balikat si Caloy kaya napangiti ako. "You knocked the hell out of him. Lagot ka."

Maya-maya, tumunog ang cellphone ko kaya nilingon ko ang bag ko sa sahig. Pinulot agad ito ni Caloy at inabot sa 'kin kaya kinuha ko sa loob ang cellphone ko at sinagot ang tawag,

"Kuya Ed."

"Hello, Ginny? Papasok pa ba ako sa parking? Pasensya na, traffic."

"Opo. Nandito na 'ko, hintayin ko kayo." Pinunasan ko nang maigi ang ilong ko at tinignan ang panyong may mantsa ng dugo.

Nilingon ko si Caloy. "Anong gagawin natin kay Anton?"

Saglit niyang nilingon si Anton at muling nagkibit-balikat. "Magigising din 'yan."

"Igilid mo na lang siya."

Lumapit siya kay Anton at hinila ito pasandal sa gilid ng sasakyang sinandalan ko. Napangiwi ako habang pinagmamasdan siya. "Ilang beses mo siyang sinuntok?"

"Isa."

Pinigil ko agad ang ngiti ko habang tumatango. "So, you're like a private security? Hindi ka basta driver."

Hindi na siya sumagot hanggang sa nasilaw ako isang sasakyang papalapit. Kinapa ko agad ang pisngi kong namamaga na yata. Humakbang na ako para matanaw ako agad ni Kuya Ed at nang huminto ang sasakyan sa gilid ko, lumabas siya agad kaya nilingon ko si Caloy pero wala na siya sa paligid.

"Ginny, anong nangyari sa 'yo!?" saka niya napansin si Anton sa sahig. "Nakipagsuntukan ka?"

Napangiti ako agad habang iniinda ang sakit ng panga ko at lumapit na sa sasakyan. Pinagbuksan niya ako agad kaya sumalampak na ako sa upuan habang dinadama ang sakit ng buong katawan ko.

Nahirapan pa akong kumbinsihin si Kuya Ed at Ate Diana na 'wag iparating kay Tita o kila Lolo at Lola ang nangyari sa 'kin. I was watching Pamela's audition speech habang nakalapat ang cold compress sa cheekbone ko nang may kumatok sa pinto,

"Ginny, nandito ulit 'yong...'yong lalaki."

Tumayo ako agad at lumapit sa pinto. Pagbukas ko nito, napangiti ako agad nang matanaw si Hugo. Naglakad na paalis si Ate Diana habang pinagmasdan ko naman si Hugo. Nang mapagtanto kong may pasa ako sa mukha, tinulak ko agad ang pinto pero napigilan niya,

"Ginny."

Kinagat ko ang labi ko at lumapit na sa glass door para ilahad ang kurtina. Paglingon ko, nakaupo na siya sa dulo ng kama pero nanatili akong nakatayo dito. Maya-maya, marahan niyang inilapat ang kamay sa tabi niya kaya lumakad ako palapit. I sat beside him at nanatili ang tingin sa sahig.

"Ginny."

Lumunok ako at tinignan siya. "Do I look bad?" Inalis niya ang maskara niya at tinagilid ang ulo na tila pinagmamasdan ako kaya napangiti na lang ako at ngumuso. "Hugo naman, e."

Huminga siya nang malalim at hinaplos nang marahan ang pisngi. "That kid is dead."

Nanlaki agad ang mga mata ko at ibinaba ang kamay niya. "Nagbabanta ka ba o nangyari na?"

"Mangyayari pa lang."

Umiling ako agad. "Ano ka ba, pasa lang 'to."

"Bakit, ilang beses ka na bang nasuntok at bakit parang okay lang?"

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now