Chapter 37

1.9K 67 2
                                    

We travelled to Los Baños, Hugo's hometown. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang malawak na lawn.

I hopped out and stared at the house in front of us. Nasa dalawang palapag ito na moderno ang disenyo. Lumingon ako sa paligid at natanaw ang mga batang nagtatakbuhan at naglalaro habang may isang restaurant sa gilid na labas-masok ang mga tao.

"That's pretty booming."

Nilingon ko si Hugo na naglalabas ng dalawang malaking paper bag sa trunk ng sasakyan. We shopped for clothes dahil hassle nang bumalik sa Manila para kumuha ng damit ko.

"My former Yaya owns that."

"Yaya?"

Ngumiti siya at tumango. Kinuha ko ang isang paper bag at sumunod sa kaniya patungo sa porch ng bahay.

"Si Manang Lydia. She used to work with us until I was 14. Tapos lumipat siya diyan bilang waitress. When the owner got sick, inilipat sa pangalan niya ang titulo dahil siya na lang ang malapit na pinagkakatiwalaan."

He opened the door at gumilid para makapasok ako. Lumingon ako sa paligid at pinagmasdan ang bawat sulok. They painted the house's interior with white habang puro antigo ang mga gamit.

"It's nice."

Maya-maya, natanaw ko ang isang babaeng may-edad na habang nagpupunas ng kamay gamit ang isang maliit na tuwalya. "Hugo."

Hinaplos ni Hugo ang balikat ko. "Manang, si Ginny. Ginny, si Manang Dessa, katiwala namin dito sa bahay."

Mas lumawak ang ngiti ng ale bago tumango. "Naku, hija, kilala kita. Napanood kita sa balita. 'Di ba ikaw 'yong teacher na kasama no'ng estudyanteng lumaya?"

Tipid akong ngumiti at tumango rin. "Opo."

"Nasubaybayan ko 'yong hearing mo hija, ang husay ng abogado mo. Oh siya, babalik ako mamayang hapon para magluto. Sabihan mo ako kung may gusto ka ha?"

I shook my head and smiled at her. "Kahit ano po, ayos lang." Nang makaalis siya, nilingon ko agad si Hugo na pinagmamasdan ako. "What?"

Bumuntonghininga siya at unti-unting napangiti. "This is real. I'm not dreaming, nandito ka talaga sa bahay namin."

I chuckled and looked around. Kusa akong napalapit sa pader kung nasaan ang TV. Sa itaas nito ay malaking litrato ni Doctor William kasama ang isang babae. Hugo got his father's eyes, pero kapareho niya ng bibig at ilong ang babaeng nasa litrato. His face is a combination of rough and soft features. Mai-intimidate ka sa mga mata niya pero para kang hinehele sa tuwing ngingiti siya.

"Is she your mother?"

"Yes."

Lumapit siya sa 'kin at inilapat ang kamay niya sa balikat ko habang sabay naming pinagmamasdan ang malaking litrato. "They met in college but had to break up after graduation to focus on their careers. During the Martial Law, the cops arrested my father when he joined a protest and Mom rushed to represent him despite years of no communication. He's a psychologist and Mom was a human rights lawyer."

"Was?"

"She suffered from cancer."

"I'm sorry." Marahan kong hinaplos ang balikat niya. "I realized we skipped the part of getting to know each other. What about you? What do you do?"

"I own a plantation and a private resort."

Napangiti ako at marahang tumango. "So, you're basically a capitalist?"

Tumagilid ang ulo niya habang napapangiti rin. "I'm compliant and I care for my people."

"You're defensive."

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now