Chapter 25

1.9K 69 10
                                    

Napapikit ako nang dumapo sa pisngi ko ang palad ni Lola. Gerard quickly pulled me away at pinaupo ako sa sofa. Nanatili ang tingin ko sa sahig habang iniinda ang hapdi ng pisngi ko.

"You pushed her to sue you!? Are you stupid!?"

Tiningala ko si Lola. Marahan akong umiling at pinagmasdan silang dalawa ni Lolo. "Her parents want to sue me for what happened pero sinuhulan niyo."

Natigilan siya at hindi nakapagsalita kaya tipid akong ngumiti. "I know. But now that Vivian is awake, I need her to sue me. So, she can finally stop using this against me and Hugo."

Lola huffed and glanced at the ceiling habang hindi makapaniwala. "I didn't invest on that damn hotel para lang makulong ka pagkatapos ng ilang taon!"

"What you did was wrong—"

"If your parents were alive, they would have done the same."

"I'll just let the court decide."

She pursed her lips. "Sa tingin mo they will side with you? Na hindi mo sinadya? It's your word against that woman, sino sa tingin mo ang paniniwalaan nila?"

"If I get convicted then fine—"

"No! That will never be fine! You wanted to be a teacher, right? Anong paaralan ang tatanggap sa 'yo kung ex-convict ka? Sinong estudyante ang rerespeto sa 'yo, ha?"

"May chance pa rin ma-acquit ako, La."

"I'm not risking that stupid chance. Where are you hiding that man? Kung gusto siyang makuha ni Vivian, ibigay mo na!"

Ako naman ang natigilan habang nakatitig sa kaniya. Her expressions softened as silence filled the room.

"Vivian will get the police to arrest me soon. Hugo is going out of the country and I won't let him come back." Tumayo ako at tinapatan siya ng tingin. "I can handle jail time, ayokong gamitin niyo pang pambayad si Hugo para sa kalayaan ko."

Tumayo na ako pero hinarang ako ni Lola. "You will not go to jail."

I huffed and shook my head in frustration. "Wala na kayong magagawa. Let's just hope that the court listens to me."

Pumasok na ako sa school at kagaya kahapon, puno na naman ng bulaklak ang upuan ni Dwight. My heart sank even at the mere sight of his chair.

Vivian can't get away with this.

Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ang tawag ni Jim. "Hello?"

"Nakahanda na ang plane. Gusto niyang umalis agad."

Saglit akong natigilan habang nakatingin sa labas ng bintana. "He's eager to leave?"

"Seems like it."

I sighed and buried the growing sadness. "Okay. Where are you taking him, by the way?"

"Italy. Ang sabi niya naroon ang mga magulang niya."

Hindi ko na napigilan ang muling pagkirot ng puso ko. I did not even get to meet his parents. We had the good times too fast and lost it too soon.

"Okay."

I ended the call at isinandal ang ulo ko sa pader habang nakatanaw pa rin sa labas.

"Ginny..."

Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Dwight kaya lumingon ako sa gilid ko. Mas lalo akong natigilan nang mapansing wala nang tao sa room at wala na rin ang mga upuan.

Nag-angat ako ng tingin. "Dwight?"

He gave me a faint smile. Unti-unting bumaba ang tingin ko hanggang sa napansin ko ang maraming dugo sa palad niya. I covered my mouth in shock as I stared at him. "Why are you..."

I'm Yours to AdoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon