Chapter 11

3.1K 147 20
                                    

Tinapos ko na ang pag-aayos ng gamit ko at nagpahatid na papunta kila Von. Pagpasok ko sa sala, sinalubong ako ng isang kasambahay. "Hi, Ma'am. Nasa library po sila Sir Von."

Tumango ako at nagtungo sa library sa ikalawang palapag. Pagbukas ko ng pinto, si Anton ang naabutan ko sa loob. He's Von's friend. Nakahilig siya sa lamesa habang nagbabasa. "Oh, Ginny. What's up?"

"May thesis kami. Nandito na ba sila Katrin?"

"Nasa kusina." Saka niya tinuro ang sofa. "Pero nandito 'yong gamit nila."

Lumapit ako sa sofa at inilapag ang bag ko. "What are you doing here, by the way?"

"May hihiramin lang akong game card."

Kinuha ko ang laptop ko at ginawa ang outline ng thesis namin. Habang nag-ta-type ako, natanaw ko sa gilid ng mata ko si Anton na nagsasalin ng alak sa dalawang baso at saka naglakad palapit sa 'kin kaya nag-angat ako ng tingin.

"Can't drink. May pasok pa 'ko mamayang 1."

Itinaas niya ang hawak niyang baso. "Isa lang." At saka inabot sa 'kin kaya tinanggap ko na lang at nilapag sa coffee table sa harap ko. Naupo siya sa isang one-seater couch sa kaliwa ko kaya nagpatuloy ako sa pag-ta-type.

"You know what."

Kinuha niya ang laptop ko kaya natigilan ako. Inilapag niya ito sa coffee table at ngumiti sa 'kin. "You should loosen up."

Umirap ako at sinubukang kunin ang laptop ko pero nahuli niya ang mga kamay ko. "Come on, Ginny. Let's have some fun."

Binawi ko ang kamay ko pero masyado siyang malakas. Sumilay ang kaba sa dibdib ko dahil kahit anong piglas ko ayaw niya akong bitawan.

"Let me go! Help!"

"This room is fucking soundproof."

Hinablot niya ang leeg ko palapit sa kaniya at sinimulan akong halikan sa panga, kaya agad akong nanginig sa takot at pandidiri. But I lost it when I felt his tongue on my skin kaya inuntog ko ang ulo ko sa ulo niya.

"Fuck!"

Napasinghap ako sa sobrang hilo pero pinilit kong itulak siya. Tumama siya sa coffee table at ininda ang sakit kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makatayo. When I felt his hand on my wrist, kinuha ko ang baso sa lamesa at hinampas ito sa ulo niya.

"Fuck you!"

Napaatras siya at nawalan naman ako ng balanse kaya bumagsak ako sa sahig. Pinigil ko ang iyak ko at tumayo para makalapit sa pinto. This is bullshit. Nang mabuksan ko ang pinto, natanaw ko sila Von, Nikki at Katrin sa hagdan.

"Hey."

He smirked at me at tumanaw sa pinto. "You okay?"

I balled my fist at pilit na ngumiti sa kanila. "Something happened to Anton." Nagkatinginan sila at nilagpasan ako para makapasok sa silid. Nang matanaw si Anton, lumingon sila sa 'kin habang pinupunasan ko ang dugo sa ilong ko. Ngumiti ako at ipinakita ang daliri kong may mantsa. "Nice try."

Bumaba ako sa hagdan at nagtungo sa kusina. "Hi, Manang. Pwedeng makahingi ng tissue at ice bag?"

"Sige po, Ma'am."

Naupo ako sa counter at kinuha ang inabot na tissue ng kasambahay. I can't leave yet. I must see this one until the end. You're fucking dead, Von.

Nang maibigay ng kasambahay ang ice bag, dinala ko na ito paakyat habang nakadampi sa ilong ko. Pagpasok ko sa library, wala na roon si Anton pero nag-aabang sa pinto si Dwight dala ang bag at laptop ko. "Doon daw tayo sa kwarto ni Von."

I'm Yours to AdoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon