Chapter 7

3.5K 165 27
                                    

Tahimik lang siya at naiinis ako dahil hindi ko makita ang reaksyon niya dahil sa suot niyang maskara. Wala naman akong makuhang sagot kaya hinawi ko ang kurtinang tumatakip sa malaking bintana at sumilip sa labas.

Nakarating na ang van sa garden at dalawang lalaking naka-barong ang bumaba. Kasunod ay ang isa pang lalaki na may hawak na kulay itim na urn. Napasinghap ako agad nang makita 'yon. Inabot ng lalaki ang urn sa caretaker at saglit na nag-usap bago muling bumalik sa van ang mga lalaki.

Nilingon ko si Don na tahimik nang nagtitipa sa cellphone niya habang nakaupo sa sofa. Bumukas ang pinto at pumasok ang caretaker dala ang urn kaya lumapit si Don at kinuha ito sa kaniya. Sabay silang nagtungo sa isang pasilyo kaya tahimik ko silang sinundan.

Nang buksan ng caretaker ang pinto, pumasok si Don habang lumingon naman sa 'kin ang matanda at inilahad ang kamay sa daanan. Pagpasok ko, napalilibutan ng itim na kurtina ang paligid. May itim na stool at sa pagitan ng dalawang bintana ay isang simpleng niche, kung saan ipinatong ni Don ang urn.

Lumapit ako sa hinaplos ang likod niya. "Anong pangalan niya?"

"Hunter."

Marahan akong tumango at pinagmasdan siya. "I'm sorry."

Bahagya niya akong nilingon bago muling bumaling sa urn. "Your tall friend should be the sorry one. Dwight."

"Paano mo nalaman ang pangalan niya?"

"Kailangan kong malaman kung sinong pumatay sa anak ko."

"What? W-what do you mean?"

"Life support na lang ang bumubuhay sa kaniya pero ang kaibigan mo, pinakialaman ang fuse."

Napasinghap ako at agad na napakapit sa stool na nasa harap namin. "Jesus Christ."

Agad na kumapit si Don sa braso ko para alalayan ako. "Mahina ka pa. Bumalik ka na muna—"

Nilingon ko siya at kumapit din sa balikat niya. "My friend killed your son!" Tuluyan akong nanghina at bumagsak sa sahig. "All this time, bakit hindi ko napansing mga maling tao ang sinasamahan ko?"

"It's not your fault."

Marahan akong umiling habang nakatingin sa kaniya. "I was always curious about you kaya kami napadpad dito. We were playing, it was a dare to knock on your door and then Dwight, he..." Gusto kong isigaw ang sakit na nararamdaman ko pero walang ibang lumabas kundi luha. "He did this... I'm so sorry."

Umiling siya at hinubad ang suot na gloves para punasan ang luha ko. "Your curiosity is the best thing that happened to me. Hindi mo 'to kasalanan."

Pinagmasdan ko siya habang suot ang maskara niya at pumikit para maalis ang namuong luha sa mga mata ko. Dahan-dahan kong inilapat ang mga daliri ko sa gilid ng maskara niya at sinubukan itong inangat pero marahang lumapat ang mga kamay niya sa pulsuhan ko,

"Hindi ka pa kumakain simula kaninang umaga, kailangan mo nang kumain." Ibinaba niya ang kamay ko at inalalayan akong tumayo. "Sa kwarto mo, may mga damit ka na doon. Kung gusto mong magbihis."

Umakyat ako sa kwarto at pinagmasdan ang rack na may mga damit at isang malaking paper bag na may undergarments. Kailan niya 'to nabili? Puro bestida ang nandito kaya pinili ko na lang ang isang simpleng kulay asul.

Tumapat ako sa malaking salamin at tinignan ang sarili ko. When we went here yesterday, hindi ko inakalang aabot ako sa ganito. That I will kiss a stranger and sleep in his house. Huminga ako nang malalim at tinignan ang maputla kong mukha. Lungkot na lungkot ka na nga ba sa buhay mo, Ginny?

Bumaba na ako at nanghula pa kung saan liliko patungo sa kusina pero sa isang pasilyong dinaanan ko, narating ko rin 'yon. Napasinghap ako sa sobrang gara ng chandelier sa itaas, ng bilog na lamesa at mga upuan.

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now