Chapter 32

1.8K 81 4
                                    

We headed to the mansion first habang naiwan sila Tito at Tita sa ospital. I really can't see my grandparents with fresh wounds kaya nauna na kami.

Bumagal ang takbo ng sasakyan sa isang highway kaya napagmasdan ko nang maigi ang kumpulan ng mga tao sa gilid. There should be at least a hundred people at this part of the sidewalk. They were doing a rally then I realized that they all work for Lolo's business, a construction company.

Isa-isa kong pinagmasdan ang mga factory workers habang may hawak na mga placards. They're calling for complete benefits, fair wage and hazard pay.

"Wait. Park it here."

Iginilid ni Gerard ang sasakyan kaya agad akong bumaba at tumanaw sa admin building ng Ka Lona sa di kalayuan. My grandfather built this company in the 80s at isa na ito sa pinaka-successful na manufacturer ng construction materials.

Ang lalaking may hawak na mic sa gitna ng rally, itinaas ang kamay niya at itinuro ang building ng Ka Lona. "Silang mga nasa itaas, mga naka-aircon at naka-kotse, sila lang ang nakikinabang at patuloy na yumayaman habang tayong mga manggagawa ay patuloy na naghihirap."

"Anong pagsusumikap pa ba ang sasapat kung ang mga kapitalistang tulad nila ay patuloy tayong gigipitan sa pamamagitan ng mababang pasahod at kulang na benepisyo!"

Sa isang van sa gilid, napansin ko ang grupo ng mga taong nakasuot ng kulay pulang t-shirt. Naghahanda sila para mamigay ng pagkain at tubig sa mga factory workers na nandito. Maya-maya, natanaw ko si Katya na naglalabas ng mga bottled water galing sa isang kahon.

I took my phone out and called her. Habang hinihintay kong sumagot siya, bumaba si Gerard at sumandal sa gilid ng sasakyan.

"Hello, Ma'am?"

"How was school?"

Saglit siyang natigilan habang nakatitig sa kahong nasa harap niya. "It's good, and I met new friends." Saka siya lumingon sa mga kasama niyang abala sa pag-aayos ng mga pagkain.

I smiled and leaned on my car too. "Where are you?"

"I'm uh, at school. You know, typical lecture."

Pinigil ko ang ngiti ko at huminga nang malalim. "You know that you can always tell me when you help at picket lines, right?"

Nag-angat siya agad ng tingin at lumingon sa paligid.

"What the..." narinig ko si Gerard sa gilid ko kaya agad ko siyang hinawakan sa braso.

"Shit. Kuya's going to kill me."

I chuckled and shook my head habang nakatingi kami sa isa't isa. "He won't. Just tell him and make him understand."

Ibinaba ko ang tawag at lumingon kay Gerard. "Don't get too hard on your sister, she's been through a lot. You two talk, I'll go to my cousin's office."

Nilakad ko na ang patungo sa Ka Lona, may barrier na sa harap kaya dumiretso ako sa guard at ipinakita ang ID ko.

I glanced at my watch habang umaakyat ang elevator sa top floor. Paglabas ko, lumapit ako sa assistant na nasa labas ng opisina ni Raniel. "Hi. I'm Raniel's cousin. Is he around?"

"Good afternoon, Ma'am." She spoke on her intercom. "Sir, Miss Ginny is here."

"Let her in."

I smiled at her and headed to Raniel's office. Pagpasok ko, sumalubong ang mas malamig na hangin habang agad na dumapo ang tingin ko sa pinsan ko. He's busy reading something on his huge table.

"Good afternoon."

He glanced at me and pointed his pen at the sofa just near the floor-to-ceiling window. "Have a seat."

I'm Yours to AdoreDonde viven las historias. Descúbrelo ahora