Chapter 24

2K 81 33
                                    

The next morning, I had to go to school early to watch a musical play pero hindi pa ako nakakasampung hakbang paalis sa parking lot, may mga lumapit na sa 'kin para makibalita.

"Ginny! Did you visit Dwight's wake? How was Tita Debbi?"

A group of girls walked with me pero tipid lang akong ngumiti sa kanila at nilingon si Gerard sa paligid. Nagpakita siya mula sa likod ng isang van at agad na pinigil ang mga babaeng sumusunod sa 'kin.

"Privacy, mga Ma'am."

"What? Nagtatanong lang naman."

Hindi ko na sila nilingon at naglakad patungo sa Malta Theater. Halos lahat ng madaanan ko, nagbubulungan sa isa't isa, pero hindi ko na sila pinansin at pumasok na sa loob. A few minutes later, nagsimula na ang flag ceremony at ang prayer na inalay para kay Dwight.

The title of the play was Phantom of the Opera: Reimagined, kung saan current social issues ang idinagdag na tema. I took out my pen and notebook to jot down details about the play.

Almost an hour passed, and the play never lost its thrill. Patapos na ang kwento at oras na para magpaalam ang Phantom kay Christine pero imbes na live performance, nag-flash ang mukha ng Phantom sa malawak na backdrop gamit ang isang projector.

Natigilan ako nang mapansing hindi na ito ang Phantom na pinapanood namin simula kanina. Lumingon ako sa paligid pero parang walang nakapansin. Half-mask lang ang suot ng Phantom kanina pero ngayon, buong maskara na ang suot nito.

Hugo...

Napaupo ako nang diretso habang pinakikinggan ang instrumental music. The Phantom breathed in and started singing,

"If life gives us another chance

You will find me waiting on the other side"

My heart crushed as his voice echoed in the whole theater. His voice is angelic.

"So save those tears

Till the day that we meet again"

I bursted in tears. I've been denying all this pain since I woke up, pero ngayon, bumubuhos na lahat.

I miss him.

"If life gives us another chance

You will find me waiting on the other side

So just wait a little longer

And soon, we will get there"

I covered my mouth to keep myself from sobbing. Pinagmasdan ko siya nang maigi kahit punong-puno ng luha ang mga mata ko. It's so painful to stare at someone you wanted the most but can never have.

"Life maybe a little harsh

But we'll make it, honey

Live your life, be happy

I'll love you from a distance"

Unti-unting nag-fade ang video hanggang sa nanatiling madilim ang theater at nag-flash ang mga salitang "The End." sa screen.

Sumabog sa palakpakan ang buong teatro kasabay ng muling pagbukas ng mga ilaw. Napapikit ako agad habang hinahanap ang panyo sa bag ko pero mukhang hindi ko nadala.

Someone held my wrist kaya nilingon ko ito, and it was Gerard handing me his hanky. Kinuha ko ito agad at nagpunas bago pa may makapansin.

Paalis na ako nang marinig kong isa-isang pinakikilala ang mga gumanap kaya natigilan ako at muling humarap sa entablado. Then they revealed na dalawa nga ang gumanap na Phantom.

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now