Chapter 8

3.2K 136 11
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw sa mga mata ko kaya pinilit ko nang bumangon. Natanaw ko si Hugo sa bintana habang nakasuksok ang magkabilang kamay sa bulsa niya.

"Iilang tao pa lang daw ang nakakakita sa 'yo." Ngumuso ako sa bintana sa likuran niya. "Pero parang hindi ka naman masyadong nag-iingat?"

Ngumiti siya. "Good morning."

"May breakfast na ba? I want to cook for you bago ako umalis." Nabawasan ang laki ng ngiti niya pero agad din siyang tumango at lumapit sa pinto kaya mas lalo akong napangiti. "Uy, mami-miss niya 'ko."

Tumigil siya sa pagpihit ng pinto at nilingon ako kaya napawi na rin ang ngiti ko. "Traumatic ang nangyari sa 'yo rito. That night was harsh. I... was harsh. Kaya mas mabuti kung nasa Manila ka."

Tumayo ako agad at lumapit sa kaniya. Sa malapitan, kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya kahit pilit niyang tinatago. "If you call that harsh, ano pa'ng itatawag natin sa nagawa ni Dwight? At kung mas mabuting nasa Manila ako, bakit ka malungkot?"

Hinaplos niya ang balikat ko at binuksan ang pinto. "Nothing. Mag-ayos ka na."

Nang makalabas siya saglit akong napatitig sa pinto. Ang lalaking kinatatakutan nila, ngumingiti sa 'kin at unti-unti kong nakikita na tulad din siya ng ibang tao, normal at may emosyon.

Pagkatapos kong mag-ayos, tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Iniisip ko kung anong dapat kong maging reaksyon kapag nakita ko na ulit sila Von. Sobrang mahalaga sila sa 'kin pero sa tuwing naiisip ko na lumilipas ang bawat oras na hindi sila humihingi ng tulong para sa 'kin, parang gusto ko silang saktan.

Pagbaba ko sa sala, naabutan ko ang caretaker na naghihintay sa 'kin. "Sa labas naghain si Hugo." Nauna siyang maglakad patungo sa isang pasilyo kaya sumunod lang ako. Pagbukas niya ng pinto, napangiti ako agad nang makita ang garden dito sa likod.

"Wow." Mas maraming bulaklak at halaman dito kumpara sa harap ng bahay. Sa baba ng burol may malawak na talahiban at kakahuyan. "Mas maganda pala rito."

Lumapit ako sa agad sa lamesang nasa gitna kung saan may nakahain nang pagkain. Bumukas ulit ang pinto at lumabas naman si Hugo. Napangiti ako dahil sa pagbabago ng suot niya. Nakasuot na siya ng kulay brown na khaki short at kulay asul na polo shirt.

Nang makaupo siya sa harap ko, nilingon ko agad ang paligid na wala nang ibang kabahayan bukod sa bahay nila Nikki.

"Paano kung may makakita sa 'yo?"

"Walang tao sa paligid."

"Paano mo naman nasiguro?"

"Nakarating sa bayan 'yong nangyari. Kaya wala nang nagagawi dito. Kapag may dadaanan, sobrang bilis ng takbo."

Tumango ako at lumingon sa magandang tanawin. "Kung aalis pala ako, maiiwan ka rito. Sumama ka na lang kaya sa 'kin?"

Kumuha siya ng chocolate syrup at nilagyan ang pancake sa plato ko. "Kumain ka nang marami. Baka magutom ka sa biyahe."

Ngumuso ako at kumain na lang nang tahimik. Maya-maya, nagawi ang tingin ko sa fuse box sa pader. Nabitawan ko agad ang hawak kong kubyertos at napatitig doon. Lumingon din doon si Hugo kaya umiwas na ako ng tingin.

Hindi ko na maituloy ang pagkain kaya humigop na lang ako ng kape. "I'm really sorry about what happened to Hunter." He clenched his jaw kaya mas lalo akong napayuko. "Wala ka bang gagawin kay Dwight?"

"'Yong kutsilyong inihagis ko, sa leeg niya dapat 'yon."

Kumalabog agad ang dibdib ko kaya napahigop ako ng kape. "Pero buhay pa siya. Kung gano'n, babawian mo pa rin siya?"

Marahan siyang umiling at humigop na rin ng kape. "Kaibigan mo siya. Alam kong galit ka sa kanila pero hindi mo naman gugustuhin kung patayin ko siya, 'di ba?"

Tumango ako at tumanaw sa malayo. "Matutuwa kaya sila kapag bumalik ako?" Tumayo ako at lumapit sa gilid ng hardin para tumanaw pa sa mas malayo. "Kapag nakabalik ako, mas ituturing ba nila ako nang tama o sisisihin pa rin nila ako sa nangyari?"

Sumunod siya sa gilid ko at tumanaw din sa malayo. "Bukod sa kung paano ka babawi sa mga kaibigan mo, kailangan mo ring ibalik sa dati ang buhay mo. Hindi maganda ang nangyari sa 'yo rito, marami pang gabi ang pagdadaanan mo nang mag-isa at mabigat sa pakiramdam na parte ako ng bangungot mo."

Nilingon ko siya. "Pareho lang pala tayong nakokonsensya sa nangyari. Kung hindi kita ginulo, hindi mawawala si Hunter."

Marahan niya akong iniharap sa kaniya kaya natigilan ako. "Kahit bumalik tayo sa simula, pipiliin ko pa ring makilala ka. Ikaw nag-iisang tama na nangyari sa 'kin sa mahabang panahon."

Nangilid agad ang luha ko kaya niyakap ko siya. "Kakaiba para sa 'kin ang lahat at hindi ito madalas mangyari pero sa palagay ko, nagustuhan ko kung paano tayo naiiba."

Niyakap niya rin ako at hinalikan sa buhok. "Mas komplikado ako kumpara sa nakikita mo ngayon pero mabuhay ka ulit nang normal dahil bata ka pa, at marami ka pang pwedeng gawin."

Unti-unti akong natigilan habang nakatingin sa kaniya. "What do you mean?"

"Bumalik ka sa dati mong buhay, at 'wag ka nang lilingon sa 'kin."

Parang nalaglag ang puso ko sa narinig ko sa kaniya. Pinilit kong ngumiti at tumango. "Thank you and I'm sorry, Hugo."

Naglakad na ako palapit sa pinto pero napansin ko ang isang kumikinang na bagay sa damuhan. Lumapit ako at nakitang isa itong kuwintas. Pinulot ko ito at pagtayo ko, napansin ko sa bintana ang isang bakante nang kwarto. Bumalik na ako sa bahay at agad na hinanap ang daan pabalik sa sala. Doon naghihintay ulit ang caretaker dala ang bag kong naiwan kila Nikki. "Ito 'yong mga gamit mo. Tignan mo na lang kung may naiwan akong mahalaga, kukunin ko."

Ngumiti ako agad at hinaplos sa balikat ang matanda. "Salamat po. Paano po kaya ako makakapunta sa bayan?"

Nilahad niya ang kamay sa pintuan. "Nag-aabang na sa labas si Caloy. Siya ang maghahatid sa 'yo hanggang sa tinutuluyan mo sa Maynila." Sumunod ako sa kaniya sa labas at doon ko nakita ang isang itim na sasakyan. Lumabas agad ang isang lalaki at pinagbuksan ako ng pinto.

Lumingon pa ako sa bahay ni Hugo pero hindi ko siya makita kahit saan. Kinagat ko ang labi ko at sumakay na habang nagpipigil ng luha. Nagpapatugtog si Caloy habang nasa biyahe pero tila nabibingi ako sa sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko.

Ang tanga-tanga mo, Ginny. Wala ka sa fairytale, hindi prince charming ang nahanap mo. Anong akala mo, dahil gumawa ka ng kung ano-anong ka-weirduhan at dahil hinalikan mo siya, magiging kayo at mamumuhay kayo nang masaya? Baliw ka na, Ginny. Halatang kulang ka sa pagmamahal.

Kinagat ko ang labi ko at tumanaw sa labas. Nagpunta ako rito kasama ang mga kaibigan ko pero babalik akong mag-isa, dala ang sama ng loob ko sa kanila at mga alaala ko kay Hugo.

Pero hindi ako basta lang babalik. Hinayaan nilaakong mamatay kaya ipapakita ko sa kanila kung paano dapat mabuhay. 

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now