Chapter 13

3.1K 120 16
                                    

I watched him put his jacket and mask on at saka inihatid siya sa baba. Nag-aabang na sa labas ang sasakyan niya kaya inihatid ko siya hanggang sa gate.

"Next time na aakyat ka sa kwarto ko, please knock."

I know he smiled pero hindi ko na makita kaya tumango na lang siya. Kumaway ako at ngumiti sa kaniya nang lumingon siya bago makasakay sa limo. Huminga ako nang malalim habang pinagmamasdan siya hanggang sa matanaw ko si Ate Diana sa gilid ko.

"Jusko, Ginny. Sino 'yon? Bakit mukhang... Bakit nakaitim tsaka nakamaskara?"

Hinawakan ko agad ang pulsuhan niya. "Ate, 'wag niyong sabihin kay Tita o kila Lolo at Lola, please."

"Naku, talagang hindi ko sasabihin dahil pareho tayong malalgot. E sino ba 'yon? Anong ginawa no'n dito? Dito ba natulog 'yon? Ano mo 'yon?"

Napaisip din ako sa huling tanong niya. Ano ko nga ba si Hugo? Is he my boyfriend? We never talked about it. Saglit kong nilingon ang kalsada bago bumaling kay Ate Diana. "He's important to me kaya sana, walang makakaalam."

Nauna na ako maglakad papasok ng bahay at itinago ang kaunting pait na nararamdaman ko. Habang nag-aayos ako para makapasok, I picked up my phone and called Yohann,

"Hello?"

"Hey, is everything set?"

"Yeah. Maraming pupunta."

Ngumiti ako at tumango. "I want you to reserve me two seats. "Yung isa, kay Pamela."

"Pamela? 'Yong may—"

"Yes. Pamela, from Film."

Sa lahat ng klase ko, kitang-kita ko ang paninitig ni Dwight pero hindi ko na lang pinansin. My friends were silent as usual. Kapag may nagsasalita, usually about acads. We finished three subjects today hanggang sa oras na para sa busking session na ginaganap sa quadrangle.

"What the hell?"

Nakatayo ako sa gilid at narinig si Katrin sa tabi ko kasama sila Nikki at Dwight. Katrin's wearing her usual uniform for cheerdance habang masama ang tingin sa mga nagse-set up ng mic at speaker sa harap.

"Bakit isinabay sa Pep Squad Night!?"

"Marami pa namang manonood sa inyo."

Nanatili akong tahimik habang pinapakinggan sila.

"This is just a busking. Bakit ang daming tao?"

Nilingon ko na si Katrin at nginitian. "Yohann's back from Singapore. He won, so they did a free busking session to thank us. Cute, right?"

Umirap lang siya sa 'kin habang pinapanood ang unang performer. "But it's Pep Squad Night! Everyone's supposed to watch!"

Maya-maya, natanaw ko ang isa pang cheerleader na patakbong lumapit sa 'min. "Kat, malapit na 'yong start. 1/4 pa lang ng theater'yong napupuno."

Hinaplos ni Dwight ang balikat ko kaya nilingon ko siya. "What?"

"Did you do this?"

"Ang alin?"

"Yohann told me you asked for a favor. Ito ba 'yon? To piss Katrin off?"

Nilingon ko agad si Katrin at Nikki at unti-unting napangiti. "Sorry not sorry."

Naglakad na ako palayo at pumunta sa naka-reserve na upuan para sa 'kin. Marami nang nakatayo sa paligid at nanonood.

Yohann's like a god here, sinasamba ng mga babae dahil talented, matalino at mabait. This is the first busking session dito sa school na kakanta siya so everyone's watching, at 'yong Pep Squad Night, lalangawin.

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now