Chapter 6

3.4K 146 40
                                    

Para akong masusuka sa sobrang sakit ng ulo ko habang pinipilit kong dumilat. Maya-maya, natanaw ko si Katrin at Nikki na naglalakad na palapit sa 'kin. Hilong-hilo ako at hindi na makakilos kaya wala akong nagawa nang hawakan nila ako habang itinatabi ang lamesang nakaharang.

Nang buksan nila ang pinto, humampas agad ang malamig na simoy ng hangin sa katawan ko. Kinaladkad nila ako sa damuhan at doon binitawan kaya napapikit ako agad sa sobrang takot. Nakatagilid ako habang pinipilit na buksan ang mga mata. Am I going to die here?

Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko habang nag-iipon ako ng lakas pero natigilan ako nang makarinig ng kaluskos sa damuhan.

"Please... I'm sorry."

Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya mas lalo akong nanlamig. Naramdaman ko ang kamay na humawak sa braso ko kaya pilit akong umatras pero wala rin akong nagawa nang matanaw ko siya. Inangat niya ako para makaupo sa damuhan.

"Your friends are horrible." bulong niya.

Mas lalong bumuhos ang luha ko. Napansin ko ang kulay dilaw na liwanag sa mga mata niya kaya lumingon ako sa likod namin at natanaw ang gaserang bumabagsak galing sa attic.

Pumikit ako pero ilang segundo ang nakalipas, wala akong naramdamang dumapo sa katawan ko kaya dumilat ako. Napasinghap ako nang makitang nasalo ni Don ang gasera at saka inihagis ito sa pinto ng warehouse. Agad itong lumiyab pero bago pa ako makapagsalita, sinubukan niya nang buhatin ako kaya napasigaw ako sa sakit ng sugat ko.

"Ahh! Bitawan mo 'ko!"

Natigilan siya at hinaplos ang likod ng ulo ko. Saglit niya itong tinignan at kinuyom ang kamao niya. Marahan niya akong binuhat at nagsimulang maglakad palayo kaya isinandal ko na lang ang ulo ko sa dibdib niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

My friends gave me away.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na natanaw ang kisameng galaxy ang disenyo. Kumirot agad ang ulo ko kaya naalala ko ang lahat ng nangyari. Sa sobrang gulat ko, napabangon ako agad kahit masakit ang sugat ko.

Nakaupo na ako ngayon sa isang kama na may apat na poste at lumingon agad sa paligid. Magara ang mga gamit at kulay mahogany ang pintura ng pader. Sa lamesang katabi ng kama, naroon ang hikaw ko. Agad kong napansin ang suot kong kulay itim na night gown kaya mas lalo akong nag-panic.

Bumukas ang pinto at natanaw ko ang isang pamilyar na pigura. Nakamaskara pa rin siya pero nakasuot na siya ng kulay itim na t-shirt at itim na pajama. Agad na bumaba ang tingin ko sa braso niyang perpekto ang hubog.

Napahigpit ang hawak ko sa kumot habang papalapit siya sa 'kin at nang huminto siya sa harap ko, itinago niya ang dalawang kamay sa likod. Umiwas ako ng tingin nang mapansin ang umbok sa pagitan ng hita niya.

"Kumusta?" tanong niya.

Napalingon ako agad sa balkonahe at nang makitang umaga na, inalis ko ang kumot sa binti ko at tumakbo papunta doon. Napasinghap ako nang makitang natupok na ng apoy ang warehouse. Wala na ang bubong nito at kulay uling na ang pader.

Hinarap ko agad si Don. "You killed my friends!"

Nangilid agad ang luha ko at napakapit ako sa railings habang naghihina. Nang makalapit si Don, pinagsusntok ko siya habang walang habas ang pagtulo ng luha ko. "You're a murderer! Pinatay mo sila! Why!?"

Padarag niya akong iniharap sa gawi ng bahay nila Nikki at inilapit ang bibig niya sa tainga ko. "Inalay ka nila para maging ligtas sila. They're gone."

No. No. Nakagat ko ang labi ko habang nakatanaw sa bahay nila Nikki. Pumiglas ako sa kapit ni Don at agad na naglakad palapit sa pinto. "They won't leave me."

Pambahay na tsinelas pa ang suot ko pero nilakad ko na ang patungo kila Nikki. Hingal na hingal ako nang makarating sa tapat ng bahay nila dahil sinasabayan ito ng pagluha.

Nabuksan ko ang pinto at nilibot ang buong bahay. "Nikki? Von!" pero sa kada pintong mabubuksan ko, walang tao. Lumabas ako at pumunta sa bahay nila Auntie Gloria. "Auntie Gloria? Mang Andres!"

Is this real? Mag-isa na lang ba talaga ako rito? Where are they!? Hawak ko ang likod ng ulo ko habang naglalakad pabalik sa bahay nila Nikki. They really left me. No, they offered me so they could be safe. My life, for theirs.

Alam kong marami kaming hindi pagkakaintindihan pero hindi ko akalaing magagawa nila 'to nang hindi nagdalawang-isip. Napaupo ako sa damuhan habang iniinda ang sakit ng ulo ko. My biological parents abandoned me, my adoptive parents died and now my friends left me to die.

Nilingon ko ang makulimlim na langit. What have I done to deserve this? Was I cruel too without knowing kaya pinarurusahan ako?

Nakarinig ako ng kabayong tumatakbo sa kung saan at saka ko natanaw si Don na sakay nito. Agad niyang pinatakbo ang kabayo palapit sa 'kin at nang makarating sa malayong tapat ko, bumaba siya at naglakad palapit sa 'kin. "Kung babalikan ka ng mga kaibigan mo, mas mabuting maghintay ka sa bahay ko kaysa rito."

"Kung hindi mo 'ko hiningi, hindi nila ako ibibigay!"

"You asked me what I want. Kung anong ginawa nila pagkatapos, hindi ko 'yon inutos."

Mas lalo akong nanghina habang sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko. Binuhat niya na ako at isinakay sa kabayo.

"Paano kung hindi na sila bumalik?" Nakasandal ako sa dibdib niya habang naglalakad ang kabayo patungo sa burol.

Marahan niyang ginalaw ang ulo ko para makasandal ako nang mabuti. "Hindi mo sila totoong kaibigan."

"Pero sila na lang ang meron ako." Muling tumulo ang luha ko pero wala na akong lakas para punasan ito. Pumikit na lang ako habang dinadama ang init ng katawan niya.

Marahan niyang inilapat ang labi niya sa tainga ko. "You will be fine."

Nakatulog na ako ulit dahil sa panghihina at nang magising ako, suot ko pa rin ang kulay itim na night gown nang lumabas ako sa kwarto. Habang pababa ng hagdan, napatitig ako sa magarang chandelier sa kisame. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan ang buong bahay. Magara din ang mga furniture, may malaking abstract painting sa pader at may mahabang sofa. Sa coffee table may diyaryo at kapeng nakapatong doon.

Pinihit ko ang malaking double door para mabuksan ito at naglakad palabas. Malamig ang simoy ng hangin dahil papalubog na ang araw. Naglakad ako patungo sa mga plant box at pinagmasdan ang mga pulang rosas doon.

Napansin ko ang isang van na paakyat mula sa baba ng burol kaya napatitig ako roon. Sila Nikki na kaya 'yan? Nag-abang ako sa bungad ng driveway at nanalangin na sana, sila nga 'yan.

"Ginny?" Nilingon ko ang lalaking tumawag sa 'kin sa likod at natanaw ko ang caretaker. Ngumiti siya sa 'kin at tinuro ang gilid ng malawak na hardin. "Pwede bang, gumilid ka? Darating ang anak ni Don."

"Anak?"

Kahit hindi ko maintindihan, gumilid ako at doon nag-abang. Bumukas ang pinto ng mansyon at dali-daling lumabas si Don dala ang isang itim na robe. "Mahamog dito." Isinuot niya agad sa 'kin ang robe at iginiya ako papasok. Nang maisara niya ang pinto, hinarap ko siya agad. "Darating daw ang... anak mo?"

I'm Yours to AdoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon