Chapter 3

3.9K 188 40
                                    

Sumungaw sa paningin ko ang matandang bantay. "Bakit hindi ka pa umaalis? Ikaw nababaliw ka ba ha? Gusto mo bang mamatay?" At saka ako tinignan mula ulo hanggang paa.

"Ganyan niyo ba tinatakot 'yong mga napapadpad dito?"

Tinapatan niya 'ko ng tingin. "Ayaw paistorbo ng amo ko kaya kung pwede lang, huwag ka nang babalik. Bakit ka ba nagpunta rito?"

Napalingon ako sa paligid at marahang umiling. "Hindi ko rin po alam."

"Umuwi ka na." Tumalikod na ang matandang lalaki at naglakad pabalik sa mansyon.

Humarap na ako sa daanan at padarag na naglakad pababa ng burol habang ginugulo ang buhok ko dahil sa frustration. Sa labas ng bahay, nagulat ako nang makita ang mga kaibigan ko kasama sila Mang Andres at Manang Gloria.

"Ginny? Oh my, God!"

Nagtakbuhan sila agad palapit sa 'kin. Si Nikki ang unang nakalapit at tinignan agad ang mga braso ko habang pinagmamasdan. "Saan ka galing!?"

"Gabi na. Lumabas ka pa?" ang tanong ni Von mula sa tabi ni Katrin.

Si Katrin naman, lumingon sa bandang likod ko. "Where did you go?"

Pinigilan ko ang sarili kong lumingon gawi sa burol at saka nagkibit-balikat. "Uh, naglakad-lakad lang."

Tinuro ni Dwight ang katawan ko. "Na ganyan ang suot mo?"

"Kung may mangyari man sa 'kin dito, hindi 'yondahil sa suot ko."

Si Katrin naman ang sumabat. "Ano ka ba? Bakit mo ba kami bini-bitch? Kami na nga 'yong nag-alala, e."

Nagkibit-balikat ako. "Sorry?"

Lumapit si Manang Gloria at hinaplos ang likod ko. "Sige na. Magpahinga na kayo. Maaga pa kayo sa kasalan bukas."

Pumasok na kami sa bahay at nagpunta sa kaniya-kaniya naming kwarto. Mag-isa ako sa isang kwarto dahil magkakasama 'yong magjo-jowa kaya sinulit ko na ang pag-iisa. Binuksan ko ang bintana para tumanaw sa buwan.

Sinariwa ko sa isip ko ang itsura niya kanina. He's weird, but he's not scary at all. Kinatatakutan siya rito at hindi ko siya kilala pero pinuntahan ko pa para isauli ang sumbrero niya. Para akong binabarang na ewan.

Kinaumagahan, nagising akong may almusal na. Lumapit ako agad sa lamesa at naabutan si Von at Dwight doon. Kaysa tumabi kay Dwight, naupo ako sa dulo ng lamesa.

Nilingon ako ni Von habang nagsasandok sa mangkok na may red egg at kamatis. "Morning, Ginny."

"Morning. Tulog pa sila Nikki?"

"Nasa kabila. Magbe-bake daw kayo mamayang hapon kaya inaayos nila 'yong mga gagamitin. Umalis ka kasi kagabi, wala ka tuloy sa usapan."

"Sorry." saka ako nagsandok ng kanin sa pinggan ko.

"Pagkatapos nating umattend sa kasal, bibili kami ni Von ng alak sa bayan, you wanna come?" tanong ni Dwight. Natanaw ko si Katrin na pumasok sa kusina kaya hindi na ako sumagot.

Agad niyang niyakap si Dwight mula sa likod at hinalikan. "She'll help us with the cooking, so kayo na lang ni Von, okay?"

Tumango si Dwight kasabay naman ng pagdating ni Nikki. We had our breakfast at nag-ayos na para um-attend sa kasal. Nikki's cousin will be married today kaya nagpasya kaming dumalo na dahil sa gabi naman kami magce-celebrate ng birthday niya.

I dressed up in a plain nude dress, hapit ito sa katawan ko kaya nagsuot ako ng kulay itim na cardigan.

Alas nuebe na nang sumakay kami sa van para makaalis. Nang madaanan ng van ang burol, nagtagal na naman ang titig ko doon. Last night was a blur. I really don't know kung anong naisipan ko bakit ko sinauli ang trilby na 'yon. Mas lalo lang siyang hindi naalis sa isip ko buong gabi.

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now