Chapter 21

2.3K 92 26
                                    

Celine and her baby got out of the hospital safe. Pagbalik namin sa orphanage, nagpaalam na rin ako sa mga bata at kay Agusta. Hinarap ko si Ma'am Flora bago sumakay sa van. "Baka matagal pa po 'ko makabalik."

Ngumiti siya at marahang tumango. "Alam naming hindi mo naman nakakalimutan ang mga bata kaya, bumalik ka na lang kapag may libreng oras ka."

Napangiti na rin ako at niyakap siya. "Babalik po ako."

Habang nasa biyahe, pinanood ko lang ang paglubog ng araw sa 'di kalayuan. I know some people were having it worst pero hindi ko maiwasang magtampo sa tadhana. Bakit sa ganitong paraan pa ipinapakita sa 'kin kung gaano kahirap ang magmahal?

Napabuntonghininga na lang ako habang marahang kumukurap. Even if life takes more than it gives, I'm thankful for what I have left.

Nakatulog ako agad pag-uwi nang dalawin ako ng antok and it was eight in the evening when I woke up from the cold breeze. Tumayo ako agad para isara ang glass door pero natigilan na ako habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

Marahan akong pumikit habang inaalala ang mga araw na nanatili ako sa bahay ni Hugo. Isa 'yon sa mga araw na pinapangarap kong maulit. It may be hard for me to get back in his arms again, but I will never lose hope. Kung kailangan kong maghintay ng ilang taon bago ko siya makasama, then I will endure each day.

Parang bumabagal ang oras habang nag-aayos ako. My mind's been wandering kaya bigla na lang akong natutulala. I was staring at myself in the mirror when I let my bare face as it is and grabbed my phone and leather jacket bago lumabas ng kwarto.

Gerard's waiting at the front door kaya saglit akong tumayo sa harap niya at bahagyang inangat ang dress ko. "Do I look okay?" Marahan siyang tumango kaya ngumiti ako agad. "Wala pa ba sila Lolo at Lola?"

"Pauwi na."

"Did you tell them?"

Tumango siya kaya napatitig ako sa kaniya. "What did they say?"

"Ayos lang sa kanila. Basta nakikita ko kayo."

Sa biyahe, hindi ko mabilang kung ilang beses na akong bumuntonghininga at suminghap. Mas lalong sumisibol ang kaba at takot ko habang papalapit kami sa lugar. When the car parked at the side of the road, I huffed one last time and push the car door.

Bumaba ako at tinignan ang buong paligid. We're at a huge park kung saan may ginaganap na light festival. Pinagmasdan ko agad ang mga taong naglalakad at ang mga puno sa paligid na sinasabitan ng maliwanag na fairy lights. Up front is a wide building na tinatamaan ng makukulay na ilaw. A band was also set up at the far left wearing glow-in-the-dark outfits.

Naupo ako sa pinakamalapit na bench at naghintay kay Hugo pero ilang minuto lang, napansin kong may sinusundan ng tingin ang mga tao sa harap ko and there I saw him walking from a distance. Napasinghap ako nang makitang wala siyang suot na maskara habang naglalakad palapit.

He's tall, well-built, and inconceivably handsome, so catching everyone's eyes is a no-brainer for him. Ngumiti ako nang tipid habang pinagmamasdan siya. Sinusundan siya ng tingin ng mga taong nasasalubong niya, but he did not look back at anyone but me.

Hell, it feels good to watch the love of my life walk towards me. As if everything is fine, like we are in the perfect world.

I smiled at him when he stood in front of me. "Have you seen how they look at you?"

Napangiti rin siya agad at pinagmasdan ako habang nakatago ang makabilang-kamay sa bulsa ng coat niya. "No, I was busy staring at you."

I chuckled and rolled my eyes. Inilahad niya ang kamay niya at saglit na lumingon sa paligid. "Light festival date?"

I'm Yours to Adoreजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें