Chapter 23

2.1K 81 17
                                    

My eyes roamed around the garden at natanaw ang dalawang bodyguard na nakaupo sa magkabilang gilid. Ang isa ay naninigarilyo kaya nakatapat ito sa pader habang ang isa, nagkakape at nakatitig sa damuhan.

The silence was deafening when I threw my jacket on and left my room. Madilim na ang buong mansyon pero nakasindi pa rin ang ilaw sa labas kaya natatanaw ko pa ang daanan. Nagtungo ako sa kusina at maingat na pinihit pabukas ang backdoor pero dumulas ang cellphone ko sa kamay ko kaya agad kong isinara ang pinto.

I heard a noise from someone's shoes kaya umatras ako kasabay ng pagbukas ng pinto mula sa labas. Sumandal ako sa pader at nagtago sa likod na pinto. A bodyguard walked in and stared at the dark kitchen.

"May tao?"

Walang sumagot at nanatiling tahimik ang paligid so he took a step back to shut the door. I waited for a while bago muling binuksan ang pinto. Lumingon ako sa paligid at nang hindi ko na sila makita, I tiptoed towards a small cabin at the garden. Sa likod nito ay isang lumang gate na hindi na ginagamit ngayon. I opened my phone's flashlight at isiniksik ang sarili ko sa likod nito. Inilawan ko ang bakal na gate na napalilibutan na ng halaman.

I heard a noise yet again kaya pinatay ko agad ang flashlight ng cellphone ko. Tumayo ako nang diretso habang nakaharap pa rin sa gate.

"Tawagin mo nga si Baldo, may naglalaboy yata na pusa rito."

Inilabas ko na ang susi sa bulsa ng jeans ko at binuksan ang kandado. Marahan ko itong itinulak pero gumawa ito ng nakabibinging ingay. Imbes na matigilan, nagmadali na akong isara ulit ito at tumakbo na patungo sa unang kanto.

Jim was waiting for me sakay ang motorsiklo niya. Isinuot ko agad ang helmet na ibinigay niya at tinapik siya sa balikat. "Go, quick."

After almost an hour, we reached a small clinic somewhere in Valenzuela. I sighed heavily and let Jim enter the gate first. Nang makapasok kami sa gate, kumatok siya sa pinto. "Jethro?"

The door opened and a man in his white lab coat peeped. They nodded at each other bago lumingon sa 'kin ang doktor. He smiled at hinila ang pinto para mabuksan ito nang maigi.

I entered the clinic at pinagmasdan ang paligid. Maraming medical devices sa paligid at may dalawang pinto.

"I'm Doctor Cagas. The patient is in this room."

Nilingon ko si Dr. Cagas na nakatayo na sa tapat ng isang pinto. Pinihit niya ito pabukas kaya marahan akong naglakad patungo roon.

Marahan akong naglakad palapit sa pinto at saka natanaw ang loob nito. Jim came in with a bag and a brown envelope at saka inilapag ang mga ito sa lamesa.

Lumapit ako agad at pinagmasdan siya pero laking gulat ko nang makita ang posas sa pulsuhan niya. "Why is he cuffed?"

Dumilat siya at agad na nag-angat ng tingin. We were both shocked.

Tumayo ang doktor sa tabi ko. "Sinusubukan niyang umalis. Sinabi ko nang maghintay muna saglit pero ayaw makinig."

"Get it off him."

Agad niyang kinuha ang susi sa bulsa at kinalas ang posas. Hugo sat up at hinayaan ang doktor habang nakatingin pa rin sa 'kin.

Nang makaalis ang dalawa, naupo ako sa paanan ni Hugo. "How are you?"

Hindi siya sumagot. Nakakunot lang ang noo niya habang nakatitig sa 'kin. I closed my eyes at inilapat ang kamay ko sa binti niyang nababalutan ng kumot. "I'm sorry."

"Did you do this?"

Marahan akong tumango. Mas lalong kumunot ang noo niya at halatang maraming gustong sabihin o itanong.

I'm Yours to AdoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon