Chapter 22

2.1K 82 29
                                    

I heard someone mumbling as I tried to open my eyes. Nang lumingon ako sa paligid, natanaw ko ang grandparents ko at si Gerard na nakatitig sa 'kin. I gasped and sat up habang lumilingon sa paligid. "Hugo..."

Lumapit si Lola at naupo sa tabi ko. She's teary-eyed. "Ginny..."

Nilingon ko si Gerard na tahimik lang sa gilid. "Where is he?"

He did not answer. My body started shaking as tears trickled down my cheeks. "Anong nangyari sa kaniya!? Where is he!?"

Still, silence. Bumagsak ang balikat ko habang nakatingin kay Lola. I reached for my bag on the bedside table to get my phone and dialled Hugo's number but he's not answering.

"No, please." I bursted into another set of tears habang nakatingin sa kanila. "Am I dreaming?"

Lola pulled me for a hug and caressed my back habang umiiyak ako sa braso niya. Dahil na rin sa walang tigil na pag-iyak kaya nakatulog ako ulit. Alas dos na ng hapon nang magising ako dahil sa sakit ng ulo.

Pagbaba ko, natanaw ko si Lolo at si Gerard sa sala. Lumapit agad si Gerard para alalayan ako sa hagdan hanggang sa makalapit ako kay Lolo. He's holding his phone at marahang inabot ito sa 'kin.

"Your friend Dwight... he's gone."

Napasinghap ako at agad na kinuha ang cellphone niya. It's a CCTV footage from a pedestrian crossing of an empty road. Standing on the sidewalk was Vivian holding her phone. Nailawan siya dahil sa paparating na sasakyan hanggang sa tumawid siya kahit na siguradong mabubunggo siya nito.

The driver was able to veer away pero tumama ito sa barrier ng center island at bumaligtad. I froze as I stared at the screen.

"Si Dwight ba..."

Nag-angat ako ng tingin kay Lolo kaya marahan siyang tumango. Napaupo ako agad sa sofa at padarag na inilapag ang cellphone sa coffee table.

"Why is this happening?" I looked at both of them. "Why is this happening!? Who's doing this?"

Lola came from the kitchen at agad na lumapit para aluin ako. "Ginny, eat first—"

"Where's Hugo? Hindi naman pwedeng bigla na lang siyang nawala? Where is he?"

Hindi siya nakasagot at marahang umiling. "Hindi rin namin alam. Gerard called an ambulance, but they did not see him. There's a stain on the floor pero hindi nila nakita ang katawan niya."

Natulala na ako sa kumot ko. "He's gone and we don't know, where is he?"

We heard someone shouting outside kaya napalingon kaming lahat sa pinto. Gerard opened the door at tinanaw ang gate.

"It's that woman."

Narinig ko ang boses ni Vivian kaya tumayo ako agad at lumabas. She's trying to get in pero pinipigilan siya ni Mang Larry. Her eyes were as swollen as mine.

"Let her in."

Lumapit siya agad at hinablot ang braso ko. "Where is he!? Where's Hugo!?"

I stared back at her at marahang umiling. "I don't know."

Sinampal niya ako kaya agad akong hinila ni Gerard palayo habang lumapit naman si Mang Larry para awatin siya. "Ilabas mo si Hugo! Ipakukulong talaga kita! Mabubulok ka sa kulungan!"

Tinabig niya ang braso ni Mang Larry at saka humakbang na paatras. We watched her walk away and board her car. Nang humarurot palayo ang sasakyan niya, saka ko lang naramdaman ulit ang pagod at panghihina. Gerard was quick to catch me. Wala akong ganang kumain kaya dumiretso na ako sa kwarto.

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now