Chapter 27

1.8K 77 6
                                    

Hugo's disappearance took a toll on me. I felt so lost, like I was in a dark alley and I can't find my way out. Healing is a choice, and it took me years of trying before I can finally accept a life without him.

My phone rang kaya naputol ang pagmumuni-muni ko. Pinatay ko ang alarm at kinuha ang bag ko sa ibabaw ng lamesa.

"Ginny, lumabas na raw 'yong evaluation."

Nilingon ko si Ma'am Delina at agad na ngumiti. "Siguradong top-rated ulit kayo."

Tumawa siya at agad na umiling. "Naku, second place ka last sem, hindi na ako magugulat kung ikaw ngayon."

"True 'yon, Ginny."

"Gustong-gusto ka ng mga estudyante mo."

"Ay o, kung ganyan kaganda at ka-sexy ng teacher ko, sisipagin talaga ako pumasok."

Nilingon ko sina Caith, Olivia at Aria na nandito rin sa faculty.

Lumawak ang ngiti ko habang umiiling at inaayos ang mga papel sa desk ko. "Klase na 'ko."

Habang naglalakad ako sa lobby ng Sakay building, hindi ako nakakaligtaang batiin ng mga estudyanteng nakikilala ako. Nginitian ko sila isa-isa habang patungo sa elevator.

I slid my hand inside my pocket habang hinihintay ang lift. Maya-maya, natanaw ko si Mico na may bitbit na mga papel. I smiled at him at inilahad ang kamay ko. "Ilang page na naman ng essay ang ipinagawa mo?"

Ngumiti rin siya at napailing na lang. Tinulungan ko siyang bitbitin ang kalahati ng papel na hawak niya. Mico is my co-faculty.

"It's about the drug war. I want to know their thoughts."

I smiled. "Thoughts lang?"

He smiled back at me and shook his head. "Siyempre gusto ko ring hugutin 'yong empathy nila. They need to know more about the present injustice, so they'll know how to go against it."

Hindi na naalis ang ngiti ko habang nakatitig sa numero sa itaas. He's also my school mate at tulad ko, ang balak niya rin ay magturo sa isang state university.

But fate brought us here, in a privately owned college. I guess it's not that bad to teach privileged kids on how to use their privilege correctly.

Pumasok kami sa elevator at nang makarating siya sa floor niya, inabot ko na ang mga papel.

"Thank you, Ginny."

"No problem."

I stared at his back hanggang sa tuluyang sumara ang lift. Pagdating ko sa classroom, my eyes roamed every corner. I noticed that some of them already know me kaya may iilang napapangiti.

"Good morning, Class."

I took my whiteboard marker and wrote the name of my subject on the board, Historical Sociology.

"I'm Miss Ginny Del Mar. I have a master's degree in Sociology, and you'll be seeing me in this classroom for about three months. I hope that you learn a lot and get to know how to apply everything that you learned from this subject, to be able to contribute to society. And when I say society, not to the upper class but the marginalized population."

Napansin kong excited at natutuwa ang mga estudyante ko kaya hindi ko na napigilang mapangiti.

This is just an "Introduce Yourself Day" dahil kasisimula pa lang ng sem kaya nakinig lang ako sa mga estudyante ko tungkol sa sarili nila. I smiled at Katya nang siya na ang tumayo. Estudyante ko na siya last year sa isa pang subject.

"Hello, Ma'am."

I maintained my smile kahit napansin kong wala siya sa wisyo. Hindi nagfo-focus ang tingin niya at matamlay siya.

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now