Chapter 2

4.8K 193 46
                                    

Dumilim na nang lumubog ang araw at mas lumamig ang hangin. Si Manang Glora ang nagluto ng hapunan pero tumulong na kami ni Nikki sa paghahanda para matapos agad.

"May gusto pa ba kayong idagdag? Prutas?" tanong ni Manang Gloria.

Sumagot si Nikki, "Okay na ito, Tita. Salamat po."

Isa-isa naming inilapag ang mga pagkain sa bilugang lamesa sa cottage na katabi ng mansyon. Naririnig sa paligid ang huni ng mga kuliglig habang nag-uusap sina Katrin sa lamesa. Ginulo ng malakas na hangin ang buhok ko kaya agad na iniabot ni Dwight ang itim na ponytail na laging nasa pulsuhan niya.

"Thanks." Kiha ko ito at nagpusod bago pumasok sa backdoor ng kusina para kunin ang isang pitsel ng buko juice.

Paglabas ko, natigilan ako agad.

Nagtagal ang titig ko sa tabi ng malaking puno. Malawak na talahiban ang nasa likod ng mansyon. May puno sa gilid at isang malaking bundok sa di-kalayuan. Pumikit-pikit ako para manigurado kung tama ang nakikita ko. Humakbang pa ako palapit at niliitan ang mga mata.

Napasinghap ako at nanlamig. May pigura ng taong nakatayo roon. Maliwanag ang ang bilog na buwan sa langit kaya hindi ako pwedeng magkamali. Pero nasa ilalim ng puno, kaya hindi ko matanaw ang mukha nito. Unti-unti itong gumalaw kaya naestatwa ako habang hawak ang pistel.

Naglakad siya patungo sa likod ng pinto at saka nawala. My legs trembled at mas lalo akong nanlamig. No. I must be seeing things. Pagod lang siguro ako sa biyahe. Umalingawngaw ang tawa ni Katrin kaya nilingon ko ang direksyon nila. Hindi ko sila tanaw mula rito dahil nasa gilid sila ng mansyon.

Bumalik na ako sa cottage at naupo. Sa gitna ng kwentuhan nila, hindi ko mapigilang lumingon sa paligid. When I'm out of town with my grandparents, we always dine outside. Sanay na ako sa ganito. I just don't the idea of someone watching us.

"Uy." Kinalabit ako ni Nikki at lumingon din sa tinitignan ko. "You okay?" tanong niya.

Ngumiti ako at tumango. "Kanina kasi"—tinuro ko ang tinidor ko sa direksyon ng bundok—"I think I saw someone. Sa may puno sa likod."

"Oh, baka si Mang Andres. Madalas tumambay diyan kasi mahangin. Tsaka diyan banda nakatali 'yong mga kalabaw."

Nilihis ko na ang isip ko sa kung sino man ang nakita ko kanina. I joined their conversation. Laughed at their jokes. Minsan ako pa ang nang-aasar kay Von. Pero kahit anong pigil ko, parang nag-iinit ang likuran ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam. I feel anxious. Gusto ko nang matapos agad itong dinner para makapasok na kami. I need walls. I suddenly hate being in an open area like this.

"But guys, I'm still curious lang," sabi ni Katrin. Nilingon nila siya pero nasa pagitan naming dalawa si Dwight kaya hindi na ako nag-angat ng tingin.

"Don is rich, 'di ba? Bakit siya nagtiya-tiyaga sa remote area tulad nito?"

Just like that, parang may dalawang tuldok na nagkonekta sa isip ko. Lumingon ako ulit sa paligid. Mas lumakas ang huni ng mga kuliglig sa pandinig ko dahil nasa paligid na ang buong atensyon ko. Sa palayan, sa mansyon, sa dalawa pang bahay sa gilid namin. Sa mga manok na palakad-lakad. Pilit akong humanap ng senyales na may tao pa rito maliban sa amin.

"No one knows," sagot ni Nikki. "Basta 'yang mansyon, politiko talaga may-ari niyan. Kaya sabi nila baka nabili ni Don. Hindi nga ganyan kaganda iyan dati, basta mukha lang kastilyo pero walang hala-halaman tsaka walang mga poste ng ilaw 'yong driveway. Gumanda. Pero ang terror naman ng nakatira."

I clenched may fist habang hawak ang kutsara at tinidor ko. "I have an idea. Birthday mo naman bukas. Let's give him food?"

She chuckled and shook her head. "That's stupid—"

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now