Chapter 9

3.2K 152 18
                                    

It took me four days bago naglakas ng loob na pumasok, pero sinigurado kong those days were productive. I looked for everything that I need to know. 

Tila bumagal ang oras habang naglalakad ako sa hallway. Mahigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko habang nakatanaw sa mga nasasalubong ko. All of them are oblivious of what happened to me.

Nang makarating ako sa tapat ng classroom namin, inayos ko ang buhok ko at huminga nang malalim. Sabi ni Hugo, ang pinakamagandang ganti ay ipakitang nabuhay ako pagkatapos ng ginawa nila. I lived and I will continue to live but this time, I will live better.

Pinihit ko ang pinto at inilibot ang tingin pero wala pa sila. Ngumiti sa 'kin ang mga kaklase ko, habang nagkukwentuhan. Halos lahat sila, maganda ang mood at parang walang problema. Dumiretso ako sa upuan ko at nilabas ang handbook ko para sa subject.

Nilingon ko ang langit sa labas ng bintana at dinama ang sinag ng araw. Am I lucky that it was Hugo? Paano kung hindi si Hugo ang nagkainteres sa 'kin? Paano kung rapist o mamamatay-tao? Will I be able to see the sun the next day?

Nakarinig ako ng pamilyar na tawanan kaya nilingon ko ito. Nikki entered and the one laughing with her was Katrin. Malakas ang tawanan nila na tila hindi nila tinuring na isang tupa ang kaibigan nila at inalay sa poon.

Nang magtama ang mga tingin namin, agad silang natigilan na parang nakakita ng multo. Tumingin sa 'kin ang mga kaklase ko kaya nginitan ko sila bago bumaling muli sa dalawang demonyita sa harap,

"Hindi kayo uupo?" I gave them my sweetest smile and I swear to God, pareho silang namutla.

Si Nikki ang unang nakabawi at hinila si Katrin. We usually sit together kaya wala silang choice kundi ang tumabi pa rin sa 'kin.

"Ginny!" Niyakap ako ni Nikki bago naupo. "You're alive," she whispered.

Tinignan ko silang dalawa. "No thanks to you." At sarkastikong ngumiti.

Hindi katulad ng dati, tahimik na lang ang dalawa sa tabi ko. Parehong nagce-cellphone at tila napipi na habang naghihintay kami sa prof. Maya-maya, bumukas ulit ang pinto at si Von naman ang dumating. Hindi na siya nagulat nang makita ako, maybe because Nikki gave him a heads up. I smirked and waved at him kaya tumango siya. Naupo siya sa pagitan Nikki at Katrin kaya nawala siya sa paningin ko.

Dahil nasa pinakalikod kami, isinandal ko ang ulo ko at pader at huminga nang malalim habang nakapikit. "I'm glad that you guys are alive."

Kahit nakapikit ako, naiisip ko ang pagkagulat nila and Nikki proved me right nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa armchair ko, at bumulong. "Ginny, they don't know what happened. Can we talk about this later?"

Pagdilat ko, saktong bumukas ulit ang pinto at pumasok si Dwight na hinihingal at tila nagmadali. Nang magtama ang tingin namin, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Agad siyang lumapit at imbes na maupo sa tabi ni Katrin, dumiretso siya sa upuan sa kaliwa ko. "Ginny."

"Dwight, bakit nandiyan ka?" Finally, Katrin was able to talk.

Sumandal ako ulit sa pader at pumikit pero naramdaman ko ang paghinga niya sa mukha ko kaya dumilat ako. He's staring at my head, so I pointed it using my thumb. "Ito? Malayo sa bituka." Lumapit ako kaya awtomatikong bumaba ang tingin niya sa labi ko. "But don't worry, ipapakita ko sa 'yo kung ano talaga ang masakit."

Dumating na ang prof kaya nagsimula ang klase. I was staring at my pen nang maisipan kong sadyain ang pagkakahulog nito. Napunta ang ballpen sa side ni Dwight kaya yumuko siya para pulutin ito. I grabbed his phone from his desk and was holding it the whole time hanggang sa tawagin siya for recitation. I opened his messages and sent a text to Katrin. Ibinalik ko rin ang cellphone niya bago pa siya makaupo.

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now