Chapter 16

2.6K 116 29
                                    

I'm scrolling through my feed and saw a few pictures of my acquaintances and classmates. Ang iba sa kanila, may kasamang girlfriend o boyfriend sa mga lakad. Napabuntonghininga na lang ako habang nag-re-react sa bawat post. I wish I can go out with Hugo too, but our setup is so unusual. Napapaisip na rin ako, is this the love I deserve? Kaya ko bang tiisin ang ganito? Natanaw kong papalapit si Gerard kaya nilingon ko siya.

"Hindi matutuloy sila Senyor."

"Bakit daw?"

"May lakad."

Ngumuso ako at bumuntonghininga. "Hindi na lang ako tutuloy."

Maya-maya, isang kasambahay naman ang lumapit dala ang isang puting kahon. "Ma'am, delivery para sa inyo."

"Kanino galing?"

"Dwight daw po."

Tumayo ako at kinuha ang box para ilapag ito sa lamesa. When I opened it, I saw a champagne-colored dress and a white half-mask inside. May puting papel sa ibabaw ng dress kaya kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.

Hope you like it.
—H

Napasinghap ako habang nakatitig sa papel bago sumulyap kay Gerard. Tumikhim ako at isinuksok sa gilid ang papel habang pasimpleng nakangiti. Inangat ko ang dress at ipinakita sa kaniya. "Bagay ba sa 'kin?"

Saglit siyang tumitig sa 'kin dahil hindi siguro inasahan ang tanong ko at parang napilitan na lang na tumango. Napabuntonghininga ako habang tinutupi ang dress, sobrang salat ko sa mga kaibigan kaya nagfi-feeling close na 'ko sa bodyguard ko. Inangat ko na ang box pero agad siyang lumapit para buhatin ito at saka lumingon sa 'kin. "Bagay sa 'yo, Ma'am." Saka siya tumalikod at naglakad paalis. Napangiti ako agad habang sinusundan siya taas.

Pagkatapos kong mag-ayos at magbihis, nagpahatid na ako sa bahay nila Dwight. Bumagal ang andar ng sasakyan sa driveway dahil may iilan pang sasakyan sa unahan. In-adjust ko ang maskara ko at tumanaw sa mansyon hanggang sa makarating kami sa tapat nito.

May lumapit agad mula sa labas para pagbuksan ako ng pinto at inalalayan ako sa pagbaba. Hindi ko na sana lilingunin ang lalaki kung hindi ko lang naramdaman ang marahan niyang pagpisil sa kamay ko bago ito binitawan. He's wearing a black suit, white gloves and a plain black mask. Napasinghap ako nang magtama ang tingin namin pero agad din siyang tumalikod para salubungin ang susunod na sasakyan.

Sinundan ko siya nang tingin at pinagmasdang maigi. Hindi ako pwedeng magkamali. Hugo...

Lumapit din si Gerard sa 'kin para alalayaan ako sa hagdan ng veranda kaya bumaling na ako sa daraanan. Pagpasok namin sa malaking double door, narinig ko agad ang classical music na pinatutugtog. Nanlamig ako nang maalala ang pagtugtog ni Von sa bahay nila Nikki. Kung namatay nga ako, 'yonna ang huling tugtog na maririnig ko.

Natanaw ko agad si Dwight na naka-half mask din. Pinasadahan niya ako ng tingin habang nakatagilid ang ulo. "Hindi mo ba nagustuhan 'yong damit pinadala ko?"

Saglit ko siyang tinitigan bago napagtantong baka hindi nakarating ang damit na pinadala niya. Nilingon ko naman si Gerard na nasa pader na't nakatitig sa 'kin bago hinarap ulit si Dwight. "Kaya kong bumili ng sarili kong damit."

"I just thought baka hindi mo napaghandaan dahil huli na dumating 'yong invitation."

Tumanaw ako agad sa paligid at inisa-isa ang mga natatanaw kong tao.

"Are you looking for Katrin and Nikki?"

Nahigit ko ang paghinga ko at marahang umiling. "Not really." Tumikhim ako at hinayaan siyang igiya ako patungo sa garden. Mas maraming tao ang narito at mas maingay. Nagkukwentuhan silang lahat habang naghihintay na magsimula ang party.

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now