Chapter 26

1.8K 65 13
                                    

"Forgive me, Ginny."

I held my breath as I listened to his voice on the other line. Mas lalo akong nanlamig sa hampas ng hangin habang nakatanaw ako sa malayo.

"Where are you? What happened?"

"I'm leaving with Vivian. All the best."

Magsasalita pa lang ako pero ibinaba niya na ang tawag kaya napalingon ako agad kay Gerard. "They're leaving."

"Ha?"

"Hugo... and Vivian. They're leaving!" Saglit kaming nagkatinginan bago ako nakabawi. "She can't escape. Get her arrested."

Saglit siyang napatitig sa 'kin. "It's not that easy."

"Do everything!"

Naglakad na siya palait sa pinto at tuluyang lumabas sa kwarto ko. Muli akong natulala sa malayo habang pinapakalma ang sarili. Hugo will run away with Vivian?

And where the fuck is Jim!?

Someone pushed the door kaya nilingon ko ang pumasok. Sinalubong ko sila Lolo at Lola pero natigilan ako sa nakita kong galit sa mga mata ni Lolo.

"Ang sabi ni Gerard, lalayo na raw si Hugo at Vivian, but you want that woman arrested?"

I gulped and nodded at him. "She killed Dwight." Sila naman ang natigilan kaya tumango ako ulit. "Dwight killed Vivian's son."

Still, silence.

"So, Vivian killed him. And for what she did, we can't let her live her life as if nothing happened. She murdered someone at kailangan niyang makulong—"

"But they are leaving! Hindi ka na niya kakasuhan. Bakit hindi mo pa sila tigilan, Ginny?"

Suminghal ako habang hindi makapaniwala. "Did you hear a word I said? She killed Dwight! I'm doing this for him!"

They both huffed but Lola even managed to smirk. "Dwight is gone. Pero ikaw, buhay ka pa. Isalba mo naman ang sarili mo!"

Mas lalo akong napatitig sa kanila. I can't believe this. "Your apathy disgusts me."

"Para kay Dwight ba talaga ito o gusto mo lang sirain silang dalawa? Gusto na nilang umalis kaya hayaan mo na!"

"This is not about me or Hugo or that woman! This is about Dwight! He deserves justice!"

Lolo gave me a stern look. "Sa tingin mo ba talagang aalis si Hugo para magsakripisyo? Hindi mo ba naisip na hindi man legal, pinakasalan niya ang babaeng 'yon. Ipinaglaban niya sa pamilya. Nagka-anak sila. Paano kung gusto talaga ni Hugo na subukan ulit kasama ang asawa niya? Tapos ipakukulong mo?"

His words cut like a sharp knife. Natahimik ako habang nakatitig sa kanila. "We got evidence. Vivian will pay for what she did."

"Don't mistake evidence with suspicion. I wonder if any court will grant a warrant with whatever you got against her."

"This will only spark chaos, Ginny. Bakit hindi na lang natin sila hayaang umalis para malagay na tayong lahat sa tahimik?"

I smirked at my grandmother. "Quiet is not peace. Denied justice is not peace."

My phone rang sinagot ko ang tawag ni Gerard. "Hello?"

"The police are on it, but we can't find them."

Bumagsak ang balikat ko at marahang napaupo sa dulo ng kama. "Try looking for Caloy. He's one of Hugo's bodyguards. He might know something."

"Copy."

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now