Chapter 4

3.7K 159 73
                                    

He kissed me, and it felt... enchanting. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang dinadama ang labi niya. He pulls away for a little just to deepen our kiss every time it touches.

Siguro tama si Katrin, na hayok ako kaya ako nagkakaganito. But how could I stop when I don't even know if I want to? Unti-unti siyang lumayo at ibinaba ang kamay na nakatakip sa mata ko. Pagdilat ko, nakasuot na ulit ang maskara niya.

Humigpit ang hawak ko sa balikat niya habang patuloy ang malakas na pagpintig ng puso ko. "Who are you?"

Hindi siya sumagot. Hinaplos niya ang pisngi ko at parang tuluyan na akong manghihina sa init ng palad niya. Narinig namin ang tawanan ng mga batang palapit kaya lumingon ako agad sa likod. May dalawang batang huminto sa tapat ko.

Ang isang ipinagbalat ko ng dalandan kanina, handa nang sumigaw nang makita si Don kaya lumapit ako agad at inilapat ang hintuturo ko sa bibig niya,

"Shh... Kapag nag-behave ka, bibigyan kita ng... bente?"

Marahan siyang tumango habang ang isang kasama niyang bata, inosenteng nakatingin sa 'min. Nginitian ko sila pareho at lumingon kay Don pero wala na siya. Nag-panic ako agad at lumingon sa paligid. Nasa kakahuyan kami pero hindi ito masukal kaya lalo akong kinabahan nang hindi ko siya matanaw sa paligid.

Am I hallucinating? That really happened, right? Paglingon ko sa dalawang bata, unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. They saw him too. It's real.

Pagbalik ko sa handaan, nasa harapan pa rin sila Nikki at sumasali na sa mga palaro pero wala roon si Dwight. I stared at the table as I tried to remember the feeling of Don's lips pressed on mine.

He said nothing, but I let him kiss me. What I did was dangerous, but I don't know why I felt safe around him. Is he someone I know?

Napabuntonghininga na lang ako dahil nawi-wierduhan na ako sa nararamdaman ko. Maya-maya, kinalabit ako ng batang kausap ko kanina. "Ate, 'yong bente ko?"

Napangiti ako agad at kumuha ng bente sa purse ko. "Huwag puro candy ang ibili ha? Masisira ipin mo."

Tumango siya at ngumiti rin bago naglakad papunta sa mga kalaro niya.

"Did you enjoy it?"

Nagulat ako nang makitang nasa harap ko na si Dwight. Naupo siya tapat ko habang masama ang tingin sa 'kin.

"Enjoy what?"

Itinuro niya ang gawi ng cabin gamit ang hinalalaki niya. "I know what happened back there."

"Saan?"

Ngumisi siya habang nakapatong sa lamesa ang isang kamay niya. "He's younger than I expected. Just around 30, I guess?"

Napasinghap ako habang pinagmamasdan siya. "You've seen his face?"

He leaned forward at tinignan ako nang mabuti. "You're so cheap. Hinalikan mo kahit hindi mo kilala." Napasandal ako sa kinauupuan ko at tumitig sa lamesa. "Lungkot na lungkot ka na ba sa buhay mo, Ginny?" dugtong pa niya.

Hindi na ako sumagot dahil nagbara na ang lalamunan ko. Hindi ko magawang magalit o ma-offend dahil natatakot akong baka tama siya. Kumirot agad ang dibdib ko kaya kinuha ko na ang purse ko at naglakad palayo.

"Ginny..."

Sinundan niya ako pero hindi ko na siya nilingon kahit nakasunod pa rin siya hanggang sa makarating kami sa kalsada.

"Ginny, I'm sorry. You know how much you mean to me; I'm just concerned—"

Umirap ako at hinarap siya. "You know what, Dwight, you're right. This is cheap. I'm already 22 pero kung umasta ako, para akong mangmang na teenager. Ayan, masaya ka na?"

I'm Yours to AdoreWhere stories live. Discover now