Chapter 10

3.2K 119 27
                                    

Mag-isa ako sa restroom habang inaayos ang buhok ko nang dumating si Katrin at Nikki. Umirap ako sa hangin habang itinatali ang buhok ko.

"Stop fucking with us, Ginny. Bakit mo 'yon ginawa?"

Pinagmasdan ko si Katrin at nagkibit-balikat. "Ang alin?"

Itinaas ni Katrin ang cellphone niya at saglit na lumingon kay Nikki. "Ikaw ang nag-text sa 'kin using Dwight's phone. Nikki saw you."

Ibinalik ko ang suklay sa bag ko at nginitian siya. "Tinulungan ko lang siya. Hindi ka naman niya talaga gusto. Pati ikaw." Humakbang ako palapit. "Hindi mo rin naman siya gusto... 'di ba?" Hindi siya nakasagot kaya umakto akong tila nagulat. "Oh, so you liked him?" Inayos ko ang dulo ng buhok niya pero tinabig niya ang kamay ko kaya ngumiti ako ulit. "Too bad, Katrin. That murderer saw the bitch in you."

Nanlaki ang mga mata niya at natigilan kaya nilagpasan ko na sila pero si Nikki, nahablot ang braso ko. "So, it's true? Namatay 'yong bata?"

Marahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko. "Yes, Nikki but you're not surprised, aren't you?" Mas lalong lumawak ang ngiti ko habang siya, tila nabuhusan ng malamig na tubig. "Dahil alam mo. You know that there's a patient in that house."

Umatras siya at marahang umiling. "I... I didn't."

"I'm not the only one curious enough para mapunta sa mansyon na 'yon." Inilabas ko ang isang kuwintas sa bag ko. "This is yours, right?"

Napasinghap siya habang nakatitig sa kuwintas. Inihagis ko ito sa mukha niya. "Hindi ako pumatay ng kahit sino at hindi ko inalay ang kaibigan ko sa ibang tao. My conscience is clear." Pinagmasdan ko silang dalawa. "E, kayo?"

Humakbang palapit sa 'kin si Katrin. "Anong gusto mong mangyari ngayon, ha!? Maglumpasay kami sa iyak dahil sa nangyari? Ginawa lang namin ang kung anong kailangan naming gawin para mabuhay!"

"Then, congrats. Buhay ka." Lumapit ako at ngumisi. "But so am I, and I will live in whatever way I want."

"Kung nabuhay ka lang para pestehin kami nang ganito, sana pinatay ka na lang ng weirdo na 'yon! You're pathetic!"

I'm taller kaya nakakatuwa siyang tignan habang sinisigawan ako. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "You will regret saying that."

We had one last class bago nag-uwian pero hindi kami kumikibo sa isa't isa. Dumiretso na ako sa parking at hindi sila nililingon. We have a thesis coming up at kami ang magkakagrupo. We were grouped according to our friends noong prelim kaya 'yonpa rin ang sinunod hanggang ngayon. Hindi na ako aalis sa grupo because things are about to get exciting.

Binuksan ni Kuya Ed ang pinto ng sasakyan kaya sumakay na ako. Pag-uwi sa bahay, sinalubong ako ni Ate Diana sa pinto. "Ginny, nandito si Von."

Pumasok ako at tinanaw siya sa sala. Wala siya sa last subject tapos dito lang pala siya mapapadpad. Naupo ako isa pang couch at pinagmasdan siya. "What do you want?"

"Gusto kong mag-sorry sa nangyari. 'Yonlang 'yong paraan para maligtas kami."

"Naririnig mo ba kung gaano ka ka-selfish?"

"Kung ikaw ang nasa posisyon namin, won't you do the same—"

"Hinding-hindi ko ibibigay ang kahit sino sa inyo. Kahit ikamatay ko—"

"But we are not like you! Ikaw handa kang mamatay kasi mag-isa ka lang, walang maghahanap sa 'yo, e kami? May pamilya kami!"

"Kaya ba mas madali sa 'yong ibigay ako? Because my life is worthless?"

Tumayo siya at agad na umiling. "I'm sorry, Ginny. We only did what we had to do." Saka siya naglakad palabas.

Nang mawala siya sa paningin ko, lumingon ako agad sa kusina. "Ate Diana!"

I'm Yours to Adoreحيث تعيش القصص. اكتشف الآن