1. Ocean blue eyes

273 45 45
                                    

"Ma'am Selena, may nagpapabigay po sa inyo nito."
I was about to enter my car when our subdivision guard approached me, he's holding a bouquet of roses in his right hand and a small box on the other.

Pinangunutan naman ako ng noo dahil do'n. At this hour? It was just 6 in the morning! Masyado yatang napaaga ngayon ang kung sino mang nagbigay nito.

I'm used to this scenario though, araw-araw ba naman! But this one's different since sobrang aga niya, usually kasi ay hapon o gabi ako nakakatanggap ng ganito at ang isa pang ipinagtataka ko ay ipinadaan pa 'yon sa guard sa halip na siya mismo ang magdala rito. Not that I want him to personally give this to me, ganoon lang talaga ang nakasanayan ko.

"From whom?" usisa ko.

"Hindi ko po kilala, eh. Pero kay guwapong binata, Ma'am!"

Nakapaskil sa labi nito ang mapanuksong ngiti na tila kinikilig pa. Ka-lalaking tao niya ay kinikilig siya!

Sino naman kaya 'yon?

Whatever! It's not like I wanted to know him. I just shrugged my shoulder at hindi na lang pinansin 'yon. Baka nahihiya siya or what. I don't even care, anyway.

"You can have the chocolates, Manong. I don't like sweets." Nginitian ko lang siya matapos no'n at umastang sasakay na ng kotse ko.

"Paano po itong bulaklak, Ma'am?" Itinaas nito ang hawak na bouquet at marahang binasa ang nakasulat sa card na nakakabit do'n.

Nahagip pa ng mata ko ang nakasulat sa harap ng card,

To: Selena Edwards.

"To the most beautiful girl I've ever seen, I'm back. We'll meet soon. Love, X."

Hindi ko na pinuna ang animo'y kinikilig na pagbabasa ng guard, mas natuon ang aking pansin sa nilalaman no'n.

He's back? But who the hell is he?

Nakaramdam ako ng kakaibang takot sa sulat na iyon. Ang creepy! Tuloy ay hindi ko na pinansin pa ang guard at sumakay na sa kotse at pinaandar ito. Hinabol pa rin ako ng guard kaya't ibinaba ko na lamang ang bintana ng sasakyan ko.

"Just throw it, Manong. Or you can have it too!" Iyon lang at hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong magsalita pa.

Pinaharurot ko na ang aking sasakyan palabas ng subdivision. Mabuti na lang at wala masyadong traffic nang makarating ako sa hi-way. Medyo nakakapagtaka nga lang kasi first day ng pasukan ngayon.

Well, maganda na rin ito since maaga akong makakarating sa school na pinapasukan ko.

Habang nagdadrive ay hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang laman ng card na iyon. Sino bang hindi matatakot do'n? Ni hindi ko kilala ang nagbigay noon pero kung umasta ito ay parang kilalang-kilala niya ako!

Geez! Hindi ko tuloy maiwasang hindi ma-paranoid habang nagdadrive! Paano na lang kung sinusundan pala ako nito?

I shivered with that thought. Mas lalo pa akong na-paranoid nang makitang may nakasunod sa aking isang lumang pickup truck.

Kulay teal green ito na bagamat maganda ang modelo ay hindi maipagkakailang sobrang luma na nito. Tuloy ay doble-doble na ang kabang nararamdaman ko ngayon!

Walang pangingiming pinabilis ko pa ang pagda-drive. Sa isip-isip ko ay nagpapasalamat ako na ang aking sasakyan ay isang 2019 BMW 8 series. Napaka-ganda ng kalidad nito na kahit na pinapaharurot ko na ay smooth pa rin ang pagkakasayad nito sa dinaraanan.

Dapat lang! Milyon-milyon ang binayad ko para rito.

Napatingin ako sa side mirror at nakitang tila binilisan din ng kung sino mang sakay ng pickup truck na 'yon ang kaniyang takbo! Trumiple ang kabog ng dibdib ko nang makumpirma na sinusundan nga ako nito!

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now