31. One passionate night

49 3 5
                                    

Warning: This chapter contains not-so rated spg, read at your own risk. Charot! Medyo lang po.

"Drinks for the hottest woman I've ever seen."

Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking nasa harapan ko, may hawak itong drinks sa kanang kamay habang ang isang kamay ay nakapulupot sa aking balingkinitang baywang. He has this playful smirk in his lips, mukha siyang hindi gagawa ng matino.

Naiilang na tinanggal ko ang kaniyang kamay, "Uh, no, thanks. I can buy myself a drink." sambit ko sa mataray na paraan.

Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng bar. And yes, we're at the bar right now. I can still recall how Erin made me join her here. She literally scammed me!

Two hours ago..

"You're spacing out again."

Napabaling ako kay Erin at nakitang puno ito ng pagka-dismaya habang nakaupo sa gilid ng kama ko.

"Were you saying something?" I asked while moving my body a bit as it became numb for crouching in my bed for almost three hours.

Ngayon ko lang naramdaman ang ngalay sa katawan ko, paano'y buong oras akong nakatulala sa kawalan ni hindi ko nga naririnig ang ikinekuwento ni Erin. I've been like this ever since the P.E incident no, maybe even after that engagement party. Two weeks have passed but I'm still not okay. Who would be, right?

"Ugh! Nevermind! I knew you're not listening!"

Matalas akong tinitigan ni Erin, ang nguso nito ay nagkakanda haba-haba pa. Natawa tuloy ako sa inasal nito, nag-aasal bata na naman siya.

"I'm sorry, Erin. A lot has been on my mind lately kasi." Lumapit ako sa kaniya at iniangkla ang aking kamay sa kaniyang braso animo'y naglalambing.

"Hmmp! I just want to make you happy by keeping you company, but I guess it's not effective. Do you know how sad I am right now, but still, I chose to prioritize you over myself!"

Nakita ko ang unti-unting pagbagsak ng mga luha niya sa mata, indikasyon na talagang nasaktan siya. Nakaramdam tuloy ako ng awa dahil do'n. Alam kong marami rin siyang dinadala ngayon pero masyado akong focus sa nararamdaman ko kaya't ni hindi ko napansin na kailangan niya rin ako.

"Erin.. I-I'm really sorry.. Oh my gosh, I'm so selfish!" 

Hindi niya ako sinagot bagkus ay nagpatuloy siya sa pag-iyak. Nakakaawa ang kaniyang lagay, hindi rin talaga madali ang pinagdadaanan niya ngayon.

"Oh, Erin, tell me what I can do to cheer you up? I'll do anything!" I filled the gap between us and hugged her tight.

"You will?"

Nagulat ako nang bigla siyang kumalas sa yakap ko at hinawakan ang magkabila kong braso na nagniningning pa ang mga mata.

Uh oh. I think I just got scammed!

Tiningnan ko siya sa mapanuring mata, ineexamine kung pinepeke niya lang ba ang kaniyang pag-iyak kanina. Mukhang nahalata niya iyon kaya't nagsipagpatakan ulit ang kaniyang mga luha.

She's definitely faking it!

"I'm really sad right now.. but I understand, I know you're also hurting. I'm sorry for disturbing you." She plastered a sad face, it felt real that I want to hug her again right here and then.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now