37. Truth or dare

20 3 5
                                    

"Hoy, mahal na prinsesa bumangon ka na!"

I woke up feeling a little dizzy. Who wouldn't? When Erin keep on shaking the bed just to wake me up. She's even shouting right beside my ears, it's too loud that my head start throbbing! Hindi pa naman ako nakatulog ng maayos sa rami ng iniisip ko.

Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kahapon. Hindi lang sakit ng ulo ang natamo ko kung 'di pati kirot sa dibdib. Pagkatapos kong sabihin kay Gab ang mga katagang halos hindi ko mabigkas ay nag-walkout kaagad ako. Hindi ko na hinayaan pang sundan niya ako, kahit si Ivan ay iniwasan ko rin kagabi. Masyado akong maraming iniisip kaya't nagkulong na lang ako sa kuwarto.

At heto nga, umaga na naman. Makikita ko na naman sila. Maisip ko pa lang 'yon ay parang gusto ko na lang magkulong maghapon dito. Pinagsisihan ko bigla na pumayag akong tatlong araw kaming mag-stay rito. Pangalawa pa lang namin ngayon kaya ang tagal ko pang magtitiis!

"Hoy! Bumangon ka na nga!"

Hayun na naman ang nakakarinding bunganga ni Erin. Kung puwede lang mag-disappear ay nagawa ko na, matakasan lang ang babaeng 'to!

Sa inis ay kinuha ko ang isang unan at itinakip ito sa mukha ko. "Shut up, Erin! Let me sleep in peace!" I shouted between the pillow.

"Anong akala mo, si Sleeping beauty ka?" Hinawakan nito ang kamay ko at pilit akong itinatayo.

Mabilis ko namang iwinaksi iyon at mas lalong idiniin ang mukha sa unan.

"Nandito si Gab!"

"What?!" Sa gulat ko ay napabalikwas kaagad ako ng tayo at luminga-linga.

Wala naman, e.

Nanlisik ang mata ko nang marinig ang malakas na tawa ni Erin. "Akala ko ba hindi mo siya kilala?" Hinampas pa niya ako ng unan. "Ang arte mo!"

"You freak!"

Hahampasin ko rin sana siya ngunit mabilis itong tumakbo palabas. Kunot ang noo namang hinabol ko siya. Hindi ko na inalintana ang itsura ko, ang mahalaga makaganti ako sa pang-aasar niya.

Agad kong hinanda ang unan na pang-atake sa kaniya nang makitang nasa labas lang siya ng pinto. Nakatalikod pa ito kaya naman walang pakundangan ko siyang hinampas.

"Woah! Easy!"

My mouth went wide when I realized that it was Ivan and not Erin! Nakahawak siya sa kamay kong nasa ere. He have this amused look in his eyes while staring at my face.

Oh, crap! Hindi pa ako naghihilamos!

Namumula ang mukhang tumalikod ako sa gawi niya. Sa pagtalikod ko ay nakita ko si Erin na nakangisi sa isang sulok!

"Erin! You freaking freak!" Gigil ko siyang linapitan at ginawaran ng hampas sa braso.

Hindi ko na siya hinayaang makaganti pa at dali-dali nang pumasok sa loob ng kuwarto. Nilock ko rin para siguraduhing hindi siya makapasok.

Dito ay malaya kong inilabas ang inis at hiyang nararamdaman ko. Napapadyak pa ako habang naghahanda ng susuotin. Gustuhin ko mang 'wag nang lumabas ay hindi p'wede, paniguradong hindi ako titigilan ng bruhang 'yon!

Nang kumalma ay naligo na rin ako at pagkatapos ay nag-ayos na para mag-breakfast.

Nakita ko pa ang reflection ko sa salamin sa pagdaan ko palabas. I wore a simple floral dress paired with brown flats. Hinayaan ko ring nakaladlad ang mahaba kong buhok, pinatungan ko lang ito ng summer hat.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now