32. A glimpse of the past

37 4 4
                                    

"Ugh. My head aches!"

Napatingin ako kay Erin na nakapangalumbaba sa kaniyang desk habang mahinang pinupukpok ang kaniyang ulo. Mukha itong siraulo sa ginagawa niya ngunit hindi ko siya masisisi dahil maging ako ay sumasakit ang ulo. Ilang alak ba naman ang nainom namin kagabi.

Damn this hangover!

"I feel like throwing up!"

Nataranta ako nang umasta itong susuka, nakaharap siya sa akin kaya't ako ang makakasalo ng suka niya 'pag nagkataon!

"What the he--" Hindi ko na nagawang ituloy pa ang aking sinasabi nang may nag-abot ng isang plastic kay Erin at itinalikod siya sa gawi ko.

Mas namayani ang lakas ng tibok ng puso ko kaysa sa sakit ng ulo nang makita ang lalaking nasa harapan ko.

"I-Ivan.." I stuttered, memories of last night keep flashing in my mind.

"Tsk! Next time, don't drink if you can't handle it." Hayun na naman ang kaniyang matatalim na sulyap na nagpapalakas lalo ng tibok ng puso ko sa kaba.

Dati ay nagagawa ko pang salubungin ang kaniyang mga titig pero ngayon ay ni hindi ko siya matingnan ng matagal. Sinisisi ko pa rin ang sarili kung bakit ko nagawa iyon kagabi.

"Take this." He handed me a medicine which I think is for hangovers.

Hindi ko 'yon magawang abutin, nananatili ang mga mata ko sa kaniyang kamay, the same hands that possessively held my waist last night. I can still feel his touch in my waist to my belly and up to my arms and face. I can still recall how he made me feel with those burning touch.

"Hey?"

Napataas ang tingin ko sa kaniyang mukha nang kunin nito ang atensyon ko. Doon ay muli kong napagmasdan ang kaniyang labing kumikibot-kibot habang nagsasalita. How can I forget that soft lips that took away all my sanity last night? Hindi ako pinatulog ng mga eksenang iyon na nagpaulit-ulit sa aking isipan. The way he crushed his lips against mine is still fresh in my mind.

Hindi ko namalayang matagal na oras na pala akong nakatitig sa kaniya, particularly his lips. Nakita ko rin na nakatitig siya sa akin, pinapantayan ang intensidad ng pagtitig ko. Tila nawala lahat ng tao sa loob ng classroom na ito at tanging kami lang ang natira. Gano'n katindi ang pagtititigan namin.

Kung hindi pa kami nakarinig ng isang malakas na tikhim ay hindi pa ito mapuputol. Napabaling tuloy ang tingin ko sa may pintuan kung saan naroon ang tumikhim.

Bigla akong nahiya nang makitang si Gab iyon kasama si Vienna. Walang emosyong makikita sa kaniyang mukha.

Napababa naman ang tingin ko sa magkahawak nilang kamay. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso dahil do'n.

Sa isang iglap ay hindi ko na sila nakita pa nang harangan ni Ivan ang aking harapan. Doon ay naalala ko na naman ang kaniyang sinabing siya ang magiging blindfold ko sa tuwing hindi ko magawang ipikit ang mga mata sa mga bagay na nakakasakit sa akin.

Tuloy ay napatingin ulit ako sa kaniya, naroon pa rin ang intensidad ng mga tingin niyang iyon.

"Ano 'to, staring contest?!"

Nang marinig ang matinis na bulyaw ni Erin ay doon lang ako napaayos ng upo. Kanina pa pala itong tapos sumuka at ngayon ay nagpapapalit-palit na ang tingin sa aming dalawa ni Ivan.

Mas lalo akong na-conscious nang makitang naagaw na namin ang atensyon ng mga estudyante sa loob ng classroom. Palihim ko pang pinukol ng masasamang tingin si Erin dahil do'n.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now