8. Kiss

64 24 12
                                    

Natapos nang maayos ang performance namin sa Welcome party ng freshmen at transferees. I can conclude that it went well seeing how they hyped up during our performance. Everyone is banging their head while jumping.

It was fun not until I had to go down the stage wearing this pointed heels! Mataas ang stage kaya nahirapan akong bumaba lalo pa at six inches heels ang suot ko. Bigla ko tuloy pinagsisihan na magsuot no'n!

Sa paghakbang ko pababa ay 'di ko inaasahang may maglalahad ng kamay para alalayan ako.

"You did great!"

Mangha akong napatingin sa taong nasa harapan ko, hindi ako makapaniwalang si Gabriel ang makikita ko.

Guguho na ba ang mundo at naging mabait na siya sa akin?

"Thank you!" nahihiya pang sambit ko.

Hindi ko alam kung paano babawiin ang kamay kong hawak pa rin niya kahit na tuluyan na kaming nakababa.

Muli kong inilapat ang tingin ko sa kamay naming magkasalikop. Napakalambot ng kamay nito! Our hands fits well that I felt like his hands were made just for me. Saktong-sakto lang ang laki nito para sa kamay ko.

Sakto namang tumugtog ang kantang "Mabagal" nina Moira at Daniel Padilla. Nagkatinginan kami at ikinagulat ko nang ilahad niya ulit ang kamay.

"Can I have this dance?" nakangiti nitong anyaya.

Wow. Is this for real? Bakit biglang bumait ito sa akin?

Hindi na ako nagdalawang isip pa at inabot na ang kamay niya. Iginiya naman niya ako sa gitna para magsayaw. Dahil sa pagka-ilang ay hindi ko alam kung ipapatong ko ba ang kamay ko sa balikat niya.

Damn! My heart beats fast!


Wala 'ata siyang gagawin na hindi ko ikagugulat. Ngayon naman ay hinapit niya ako papalapit sa kaniya at inilagay ang kamay sa balingkinitan kong baywang na mas lalong nagpa-doble ng pagtibok ng puso ko.





Please stop beating so fast, my heart! He might hear it. Geez!

Nagsimula kaming sumayaw sa mabagal na paraan. Tila ba isinasabay namin ang galaw sa mabagal na kanta. Nagkakanda-duling na rin ako sa sobrang lapit namin! I can smell his scent, it is so manly. The type of smell that every girls can get addicted to.

Ni hindi ako makatingin sa kaniya dahil isang lingon ko lang mahahalikan ko na siya. Ganiyan kami kalapit sa isa't-isa ngayon. Ramdam ko naman ang titig niya na hindi man lang inaalis at hindi alintana ang mga nakakakita.

"Selena."

Hindi lang ang pabango niya ang naamoy ko kundi pati na rin ang kaniyang mabangong hininga. Lahat na 'ata sa lalaking ito ay mabango! Wala kang maipipintas pa.

"Y-yes?"

"Look at me," aniya at marahang hinawakan ang aking baba upang iharap sa kaniya.

Nang maiharap niya ang mukha ko ay wala na akong nagawa kundi ang bahagyang umiwas ng tingin. Ang paningin ko ay naglilikot na at hindi na alam kung saan ipapaling pa. Hindi ko kayang









"I like you, Selena."



Tila tumigil ang aking mundo sa narinig at sa unti-unti nitong paglapit ng kaniyang labi patungo sa aking labi.

Napakapit ako ng mahigpit sa kaniyang damit hanggang sa banayad na lumapat ang kaniyang mapulang labi.

It was my first kiss. My damn sweet first kiss!




































Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now