34. Birthday Celebration Part 1

38 4 15
                                    

"Sumakit ang ulo ko sa punyetang subject na 'yon!" saad ni Erin. Humarap pa ito sa akin, tuloy ay nakita ko ang kaniyang hindi maipintang mukha.

"Bakit nga ba natin pinag-aaralan ang ekonomiya ng iba't-ibang bansa?!" dagdag pa nito.

Natawa ako sa kanyang inasal, kahit kailan kasi ay hindi niya nagustuhan ang Economic development na subject namin kaya't gan'yan na lang siya maka-react.

"Para makatulong tayo sa ekonomiya ng bansa natin." I patted her shoulder.

"Asus! Sarili nga natin 'di natin matulungan, ang bansa pa kaya?!"

"Tayo raw kasi ang pag-asa ng bansa," I said in a more serious tone.

Lalong nalukot ang mukha niya sa sinabi kong 'yon. "Scam 'yan!"

I let out a laugh before continuing my walk. Lulugo-lugo naman na sumunod siya sa akin. Ang mukha niya ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi na rin siya dumadaldal pa, marahil ay naubusan talaga siya ng energy sa subject naming iyon.

Sino nga bang hindi mapapagod do'n? Pinagawa niya lang naman kami ng dalawang essay na dapat ay makatatlong page, idagdag mo pa ang ipinagawa niyang movie review! Sa loob ng tatlong oras ay iyon lang ang inatupag namin. Natuyo na nga yata ang utak ko sa kakaisip kung paano mapapahaba ang mga essay na 'yon!

"You know what, why don't we go chill?" Marahan niya akong hinawakan sa magkabilang balikat. "Let's go to the mall!" Tila umihip ang hangin at naging masigla na ulit siya.

Mall?

Hmm. Not bad. Kailangan talaga namin ng refreshment ngayon. Mas okay nang magliwaliw sa mall kaysa ang umuwi at humilata.

But then, naalala kong wala nga pala kaming sasakyan! Erin forced me to commute earlier, fresh pa rin daw kasi ang nangyari sa amin noong nakaraan. Inaalala niyang baka ma-trigger na naman ng pagsakay ko sa kotse ang mga alaalang iyon. Pumayag na rin ako dahil sa tingin ko ay tama siya.

"Are we going to commute again?" tanong ko kahit na alam ko naman na ang sagot.

Malamang ay 'yon nga ang mangyayari, wala naman kaming mahihiraman na kotse. Maliban na lang kung biglang lumitaw sa harap namin si Ivan.

Hindi ko alam kung bakit sumagi sa utak ko si Ivan. Siguro ay nasanay na akong nakikita siya parati. Come to think of it, hindi ko siya nakita maghapon dito.

Nasa'n kaya ang mokong na 'yon? Himala at walang nangungulit sa akin ngayon. Nagpalinga-linga pa ako at nagbabakasaling makita siya ngunit mali yata ang ginawa kong iyon. Heto at iba ang nakita ko, si Gab na inaalalayan si Vienna na sumakay ng pickup niya. Tuloy ay hindi lang ulo ang masakit sa akin kung 'di pati na rin ang puso ko. Naroon pa rin ang kirot sa tuwing nakikita ko sila. Kahit kailan ay hindi nawala sa isip ko na ginantihan niya lang ako. Parang lason iyon sa utak at puso ko.

"Se!" Nabalik ako sa huwisyo nang maramdaman ang mahinang pag-alog ni Erin sa aking balikat.

Hindi ko namalayang nilamon na naman pala ako ng mga isiping iyon. Agad ko iyong iwinaksi sa aking isipan at nakangiting ibinaling ang paningin kay Erin. Nahagip pa ng mata ko ang pag-alis ng sasakyan ni Gab pero pinigilan ko na ang sarili kong habulin pa ito ng tingin.

"So, are we going to commute or what?" muli kong tanong.

She rolled her eyes on me. "I already told you, I just booked a Grab. You're not listening!"

"Yeah, yeah! I'm sorry." I gave her an apologetic smile.

Tuluyan na ngang bumalik ang sigla ni Erin, hayun at todo kuwento na siya habang inaantay ang binook naming Grab. Kinukwento niya ang mga isinagot niya raw sa essay kanina.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now