29. Engagement party Part 2

29 4 11
                                    

Nananatili lang akong nakatitig kay Gab, gano'n din siya sa akin bagama't hindi ko mabasa ang emosyon sa kaniyang mga mata.

Napakasama mo, Gabriel. Anong ginawa ko sa'yo para saktan mo ako ng ganito?

Umiiyak ang puso ko sa sakit na nararamdaman. Ang kaninang saya ko sa pag-asang mangyayari ang naiisip kanina ay napalitan ng galit at sakit! Harap-harapan niya akong sinaktan. Sana ay pinagpatuloy na lang niya ang hindi pagpansin sa akin kaysa ang ganito.

Hindi lang niya ako sinaktan, ipinahiya niya rin ako sa lahat ng taong nandito.

What did I do to deserve this kind of pain?

"May we please request Mr. Gabriel Thompson to come up here?" tawag pansin ng host ng party na iyon.

Samu't-saring reaksyon ang makikita sa mga mukha ng mga bisita. Nagpapalipat-lipat ang tingin ng mga ito, hindi mawari kung bakit hindi umaakyat si Gabriel sa stage. Naaawa naman akong tiningnan ng mga namukhaan kong taga-Princeton Academy.

Mukha nga siguro akong kaawa-awa ngayon. Pero kahit gano'n ay walang lumalabas na luha sa aking mga mata. Naubos na yata ang mga luha ko.

"Gab.. What are you doing?"

Lumapit sa gawi namin ang isang sopistikadang babae. Nang makita ako nito ay bahagya itong yumuko para magbigay-galang.

"My la---"

Pinutol ko ang ginagawa nitong pagbati sa pamamagitan ng pagkumpas ng aking kamay. Hindi ko kailangan ang pagbibigay-galang niya dahil hindi no'n maaalis ang ginawang pangloloko sa akin ng anak niya.

"Auntie Celeste, I'm sorry for barging in in your daughter's party. I'll be going now."

Auntie Celeste is Vienna's mother. Hindi ko ito kadugo dahil asawa lang siya ng half-brother ng daddy ko. Hindi rin kami close kagaya ng relasyon ko sa kaniyang anak.

"No, please stay. The party is just getting started." malumanay at puno ng respeto na saad nito.

Noon pa man ay mataas na ang respeto nito sa akin sa kadahilanang ito ay nag-silbi sa pamilya namin sa murang edad pa lamang. Anak ito ng dati naming mayordoma hanggang sa nakilala niya ang uncle ko na siyang asawa na niya ngayon.

"No, thanks." malamig na turan ko sa kaniya bago pumihit para umalis na.

Nakita ko pa ang pagtaas ng kamay ni Gabriel na akmang ihahawak sa braso ko pero maagap akong nailayo ng isang lalaki. Ikinulong ako nito sa kaniyang mga bisig.

I felt safe in his arms.

And only one guy could make me feel this way. It was my savior..

Ivan.

Hindi nga ako nagkamali dahil pagtunghay ko ay bumungad sa akin ang kaniyang mukha.

Here he goes again, saving me from humiliation for the second time. How lucky I am to have this guy as a friend.

"And now we're going to witness the engagement of this two lovely couple!"

Napadako ang tingin ko sa stage kung saan masayang binabati ng host sina Vienna at Gabriel. Hindi ko namalayan ang pag-akyat nito sa stage. Maging si Auntie Celeste ay nandoon na din at masayang nakatingin sa dalawa.

Kitang-kita ko ang masayang mukha ni Vienna habang si Gabriel naman ay seryoso lamang.

Kumirot ang puso ko nang hawakan nito ang kamay ni Vienna at isuot ang kumikinang na singsing. Humigpit ang yakap sa akin ni Ivan dahil do'n. Napahawak pa ako sa kaniyang kamay upang humingi ng suporta. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas at hindi ko kayang tumayo pang mag-isa. Mabuti na lang at nandito si Ivan para alalayan ako.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now