23. Murderer

26 4 2
                                    

"D-did you just call me S-Seri?" I asked Gab with a shaking hands and body. Inalis ko ang ulo niya sa aking balikat para makita ang kaniyang mukha. I want to see his face and his reaction. I want to know if he really said that or I'm just hearing things.

His forehead creased, "Did I?" He seems confused.

Dahil do'n ay nangunot din ang noo ko, "Didn't you call me Seri?" I looked at his eyes to know if he's really serious.

Am I just hallucinating? Dahil ba sa takot kong malaman nila ang totoong pagkatao ko ay nagiging paranoid na ako?

"Why would I call you that?"

"Nothing." Nakahinga ako nang maluwag dahil do'n. I really thought I got busted! Pwe. That was close!

After that, the game ended without Gab. Pinanindigan niya talaga ang pag-upo sa tabi ko at hinayaang ang mga kasamahan niya ang maglaro. Tiwala naman daw siya na maipapanalo ito ng mga iyon at hindi nga siya nabigo dahil nanalo ang team nila with a 10 points lead.

Matapos no'n ay nagkaroon ng celebration ang team nina Gab, hindi naman kami nakatanggi ni Erin nang isama nila kami. Well, ako lang pala ang hindi nakatanggi dahil hindi pa natatapos ni Gab ang pag-aaya ay naka-oo na agad si Erin. Tuloy ay wala na akong choice kung hindi ang sumama.


We're now here at the bar, sobrang dami ng tao dahil hindi naman ito ni-rent ng team nila Gab. Sobrang ingay at siksikan ng mga tao, mabuti na lang at hindi inaalis ni Gab ang hawak niya sa bewang ko. Si Erin naman ay nasa gitna na ng dance floor at nagsasayaw na. Hindi ko magawang alisin sa kaniya ang tingin baka kasi mamaya ay may mangbastos dito.

Nakaupo lang kami ni Gab dito sa isang couch kasama ang iba niyang ka-team na may mga kasama ding mga girlfriends nila or baka mga ka-flings lang? Panay ang landian ng mga ito at ang iba ay nagbo-bodyshot pa. Napapailing na lang ako sa tanawing iyon. Whatever.

Ivan wasn't here. I heard earlier that he has a prior commitment so he can't celebrate with his team. Sayang nga at siya pa naman ang team captain. Well, I guess mahalaga talaga ang kinakailangan niyang gawin kaya't nagawa niyang hindi makipagsayahan sa kaniyang team. He's really a responsible man afterall.

"Love.." I shivered as Gab called me with his lips near my neck. I can feel his breath, it tickles me. Plus the fact that his hand is still on my waist, his fingers are moving in a circular motion in my tummy. God, what is he doing to me?


Nilingon ko siyang nakakunot-noo, "Stop that, Gab." Pinalo ko pa ang kaniyang mga kamay na nasa aking tiyan.

He let out a small laugh, "What? I'm not doing anything, Love." Wala daw ginagawa pero hinahalik-halikan naman niya ang balikat ko.

Nakikiliti talaga ako do'n. Tiningnan ko siya ng mabuti, sinisipat kung lasing na ba ito. Pero dahil madilim ang ilaw sa bar ay hindi ko makita kung lasing na nga ba siya. Pakonti- konti lang ako kung uminom dahil binabantayan ko pa rin si Erin na mahahalata mong lasing na habang sumasayaw pa din sa gitna. Wala atang kapaguran ang babaeng iyon.

"Love.." Gab called my attention again. He's still planting small kisses on my shoulder while his hand is still on my waist. Hindi ko maikakailang kinikilig ako sa simpleng gestures niya na ganito.

I glanced back at him but to no avail, he kissed me in the lips the moment I faced him. Nagulat ako do'n kaya't napalo ko siya sa braso pero ang loko, tatawa-tawa lang na uminom ulit ng alak. Panaka-nakang nagkwe-kuwentuhan sila ng kaniyang mga ka-team pero mas lamang ang pagka-focus ng mga ito sa kani-kanilang date.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now