9. His playful side

53 23 6
                                    

Ilang araw na kaming nag-papractice para sa performance namin sa gaganaping welcome party. Ilang araw na rin akong late na nakakauwi dahil do'n. Mabuti na lang at sinisiguro muna nina Ian na maayos akong makaalis bago sila tuluyang umuwi. Naikuwento ko kasi sa kanila ang nangyari noong isang gabi.

At dahil hectic ang schedule nina Ian ngayong araw ay napapagpasyahan muna naming itigil ang practice. Hindi pa rin naman namin puwedeng i-compromise ang pag-aaral lalo pa at  Engineering ang mga kabanda ko. 'di ko nga alam kung paano pa nila napa-pagsabay ang pagbabanda at ang pag-aaral. Nang minsan tanungin ko si Ian tungkol do'n ay ang sabi niya basic lang daw sa kaniya 'yon. Yabang, 'di ba? Sarap pukpukin ng martilyo sa ulo nang matauhan!

Ang nakakainis lang ngayong araw ay may prior commitment daw si Ma'am kaya't walang klase. Kung kailan naman walang practice. Badtrip!

Ang masama pa, si Erin ay may practice ngayon ng sayaw. Dancer din kasi ang babaeng 'yon, member siya ng school dance company namin o 'Dance Co.' kung tawagin nila. Sasayaw rin kasi sila sa welcome party kaya puspusan sila sa pagpra-practice.

Pinili ko na lang na samahan siya tutal ay wala naman akong ginagawa.
Ang totoo ay ayaw ko lang talagang maiwan sa classroom kasama ang mga feelingera namin mga classmates.

Nakakainis na kasi ang pagkaplastik nila! They will always brag about how rich they are, everytime they got the chance to talk to me. They want to be friends with me because I'm the so-called campus crush daw. Like, hello, I can sense how fake they are! They don't want me as their friend, they just want to be famous. It's like I'm their ticket to fame.

I'm used to them, though. I just don't want them near me. Ever since first year si Erin lang talaga ang kaibigan ko. Mayroon din namang isa pa pero she's.....










whatever.

Dito sa gymnasium nila napiling magpractice ng sayaw dahil inaayos pa ang kanilang dance room. Okay naman dito kasi maluwag, ang problema nga lang may kasabay silang magpractice, may try out din kasi ngayon sa basketball.

Nasa dulong side sina Erin habang nasa mismong loob ng court naman ang mga basketball players. Nagsisidatingan pa lang ang mga magta-try out kaya nagsisimula na ring umingay sa loob ng gym.

Halos hindi na marinig ang tugtog nina Erin dahil dumarami ang manonood ng try out. Wala pa man pero mukhang may fans club na agad ang mga sumusubok.

Nakakatawa talaga ang mga estudyante rito. Bigay todo para sa mga sinasabi nilang campus crushes! I mean, yeah, it's fun to get inspiration from them but isn't it too childish? We're freaking adults now for Pete's sake! But yeah, I'm in no position to stop them from doing what they want. After all, it's their lives!

Naka-puwesto ako sa bench sa baba malapit sa court, kahilera ng mga bench ng players. Nakaupo na kasi ako rito nang dumating sila. Kung alam ko lang na may try out, lumipat na sana kaagad ako. Too late, tho. Nagsisimula na ang try-out game.

Lumakas pa ang tilian nang magsimula ang laro. May mga nag-checheer din kasi sa kanilang mga bet o bias kung tawagin nila.

Minabuti ko na lamang na ituon ang pansin sa pagsasayaw nina Erin kaysa ang panoorin ang try out. Wala rin naman akong interes sa mga naglalaro.

"Go, Gab!"

Naagaw ng sumigaw na iyon ang aking atensyon. Pa'no ba naman ay sobrang lakas no'n at tila mahahalit ang lalamunan sa pagsigaw. Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang isinigaw niyang pangalan.

Si Gab may balak sumali ng basketball?

Okay.

Good for him.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now