36. His side

27 5 4
                                    

"Hey..."

Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Ivan ngunit kahit gano'n ay nananatili lang sa dagat ang paningin ko.

Ang mga alon ay tila sumasayaw sa malambing na paraan, ang kulay asul na tubig ay nagbibigay sa akin ng kapayapaan. Pinapakalma ako ng tanawin na iyon.

"Are you...okay?" naroon ang concern sa tinig nito.

Marahil ay iniisip niya pa rin ang nangyari kanina. Ang pagkalunod ni Vienna at ang pagsagip dito ni Gab. Napakasakit makita no'n, mabuti na lang at inilayo niya kaagad ako ro'n. Iyon nga lang ay dumagdag naman siya sa isipin ko.

Sino ba namang hindi mapapaisip sa sinabi niya? Sa sobrang pagkabigla nga ay napatakbo na lang ako palayo sa kaniya. At heto ako ngayon, dito ako dinala ng mga paa ko sa pangpang.

Bumaling ako paharap sa kaniya. "I'm okay."

At sa pagtatama ng aming mga paningin ay muling bumalik sa akin ang mga sinabi niya. Tuloy ay napaiwas ako kaagad.

"About what I said earlier..."

Dinagundong ng kaba ang dibdib ko kahit na iyon pa lamang ang sinasabi niya. Hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin.

"Oh, that? That was a nice joke! You got me there!" I laughed.

I think it was an awkward laugh though. Damn!

"That's n--"

"You sure know how to make me laugh! Thanks for that." Natatawang tinapik ko ang braso niya.

My eyes went wide when he caught my hand and pulled me closer to him. We're so close to each other that I could feel his breathing. Ramdam ko rin ang matiim nitong pagtitig. I tried to avoid his gaze but he suddenly held my face and made me look into his eyes. Nakita ko tuloy kung gaano siya kaseryoso. Parang binalot ng kadiliman ang aming paligid sa tindi ng tingin niyang iyon.

"I am not joking, you know that." He paused without breaking our eye contact. "I mean every damn words I said. You already caught my heart the first time we met and that was years ago, but, you're still here." Masuyo niyang dinala ang kamay ko sa dibdib niya.

Doon ay nalaman ko kung gaano kalakas ang tibok ng puso niya. Hindi ko na nga kailangan pang gumamit ng stethoscope para lamang marinig iyon. 

"I love you, Selena. And I'm willing to do anything just to win your heart." Masasalamin sa kanyang mga mata ang iba't-ibang emosyon. Ngunit ang higit na umangat sa lahat ay ang... pag-ibig.

Hindi ko magawang umiwas ng tingin, para bang hinihila ako ng mga emosyong nakikita ko roon. Hindi ko alam kung paanong sa simpleng tingin na iyon ay nagagawa na niyang iparamdam ang pagmamahal niya sa akin. Ilang beses ko mang papaniwalain ang sarili ko na nagbibiro lang siya ay kusa nang kinokontra iyon ng puso't isip ko. Damang-dama ko ang bawat katagang minumutawi niya.

Ngunit bakit iba pa rin ang sinisigaw ng aking puso? Bakit ibang pangalan pa rin ang laman nito? Gustong-gusto kong suklian ang pagmamahal ni Ivan pero kahit anong pilit ko ay wala pa rin... Hindi ko maitatangging nakaramdam ako ng kakaibang kaba at tuwa sa narinig kong iyon, totoong masaya akong nalaman 'yon ngunit kasabay no'n ang pagkadurog ng puso ko sa katotohanang hindi siya ang nilalaman nito.

If only I could choose...

"Ivan..." My voice broke. "I'm sorry." Nag-uunahang tumulo ang mga luha sa mata ko.

"No, no. Please, give me a chance."

Gumuhit ang sakit sa aking dibdib nang mahimigan ang sakit at lungkot sa kaniyang boses.

Their Entangled Lives (On-going)Onde histórias criam vida. Descubra agora