27. Championship Part 2

23 4 8
                                    

Natapos ang third quarter na lamang pa rin ang team nina Ivan. Nang mag-time out sila ay agad akong lumapit kay Gab. Hindi pa siya nakakarating sa bench ng mga player ay sinalubong ko na siya. I don't care if I look desperate, I just wanted him to know I'm here. That I am his girlfriend and not my cousin.

I will hold on to his words and I'll fight for him. It's better this way. I don't want to regret anything. It's up to him if he will break his own words. Lalaban ako hangga't may nakikita pa akong pag-asa.

"Love.." I handed him a bottled water. Abot-abot ang pagpapalakas ko ng loob sa sarili bago ko nagawang lumapit dito.

He stared at me for awhile before turning his gaze into the bottled water. Hindi ko maiwasang kabahan at makaramdan ng hiya dahil parang wala siyang balak na kuhanin ito.

Ilang minuto akong naghintay na kuhanin niya ito. Kahit nagmumukha na akong desperada at baliw na fangirl, nakangiti pa rin ako. Kahit na gusto kong talikuran na lang siya, tiniis ko pa din ang mga malalamig niyang titig.

Tila gumuho ang mundo ko nang walang salitang nilagpasan niya lang ako. Natulis ako sa aking kinatatayuan dahil do'n. Ang mga kamay kong nasa ere pa rin ay tila tumigas na. Matagal bago nag-sink in sa akin ang nangyari. Ilang minuto pa akong nakatayo sa mismong puwestong iniwan niya ako.

He just fvcking ignored me and went straight ahead to Vienna! Damn!

Damn him for making me feel this way! I... I chose to fight for him but fvck it! I can't believe he did this to me.

Lumabo ang paningin ko sa pagbadya ng mga luhang nag-uunahan sa pagpatak. Ang sakit!

What did I do to deserved this kind of pain? Minahal ko lang naman siya pero bakit ganito? Bakit ang sakit?

Gusto kong takpan ang mukha ko para hindi nila makita na umiiyak ako pero hindi ko magawa. Wala akong lakas na gawin pa 'yon.

Namalayan ko na lang na may yumakap sa akin at isiniksik ako sa kaniyang dibdib.

"Hush. Everything's going to be okay." It was Ivan. My savior.

He's always there for me. Napaka-bait nito sa akin. Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung bakit hindi pa siya ang minahal ko. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito. Kung sana lang..

Inakay niya ako pabalik sa puwesto namin. Nananatili akong nakadukdok sa dibdib niya, ayaw kong makita ako ng mga tao na ganito. Pero sino bang niloloko ko eh nakita naman ng lahat ang nangyari. Paniguradong pinagtatawanan na nila ako ngayon.

Sinalubong ako ng yakap ni Erin nang makarating kami sa upuan. Inalalayan din akong umupo ni Ivan matapos no'n. Ang tubig na para sa kaniya ay ipinainom niya sa akin. Itinapon naman niya sa kung saan ang tubig na dapat ay ibibigay ko kay Gab.

"Eh punyeta naman pala ng lalaking 'yan eh! Gago!" Kitang-kita ko ang galit na galit na mukha ni Erin. Bahagya pa itong nakatingin sa gawi nina Gab habang nanglilisik ang mga mata.

Maging si Ivan ay nakakunot ang noo at nakakuyom ang palad. I can't blame them. What Gab did is too much. I'm filled with so much emotions, hurt and anger are lingering on me.

Hindi umalis sa tabi ko si Ivan hanggang sa tumunog na ulit ang buzzer hudyat na magsisimula na ulit ang laro. Nag-aalangan pa siyang iwan ako pero sinabi ko na lang na ayos lang ako. Tutal ay nandito din naman si Erin at hindi ako pababayaan.

Ang totoo ay pinipilit nila akong umuwi na, nag-presinta pa si Ivan na ihahatid ako at iiwan ang laro para sa akin pero hindi ako pumayag. Gano'n din si Erin na sasamahan din akong umuwi kahit na alam kong gustong-gusto niya pang manood ng laro. Sa huli ay hindi nila ako napilit na umuwi.

Their Entangled Lives (On-going)Where stories live. Discover now